“Kung tao ka lang talaga, malamang nabaliw na lahat ng babae sa'yo. Pero dahil robot ka, at ako ang may-ari sa'yo... akin ka lang.”Sa pagbitaw ko ng mga salitang iyon, naramdaman ko ang biglaang paghinto ng kaniyang paghinga. Ang kaniyang mga mata ay bumaba at nag-lock sa aking mga mata. May isang emosyon doon na hindi ko maintindihan—isang napakatalim at malalim na emosyon na tila ba sinusuri ang aking kaluluwa.Pero siyempre, program lang iyon. Eye-contact algorithm.“Okay, enough fashion show for tonight,” nakangiti kong sabi, umatras nang bahagya para bigyan siya ng espasyo. “Gabi na. Oras na para magpahinga. Isuot mo na 'yung huling outfit na pinili ko para sa'yo.”Inabot ko sa kaniya ang isang pares ng silk na pajamas. Kulay navy blue.“Ito ang magiging sleeping attire mo. Pagkatapos mong magbihis, sumunod ka sa akin sa kwarto. Ipapakita ko sa'yo ang pangunahing trabaho mo tuwing gabi.”Tumalikod na ako at naglakad palabas ng walk-in closet, iniwan siyang nakatayo roon habang di
Read more