SERENA'S POV"Ayos, linggo na ngayon!" Natutuwang sigaw ni Chloe habang nasa mesa kami at kumakain."Chloe, huwag masyadong mag-ingay lalo na sa harap ng pagkain," sabi ko."Nako, nakakatuwa naman na masabik ang anak niyo para sa closing ceremony nila," sabi naman ni Lola.Nasa dining room kami ng mansyon, kumakain para sa almusal. Kasama ang lolo at lola ni Sebastian. Narito rin si Mama. Natapos na akong kumain kanina, pero nanatili ako sa mesa para bantayan ang mga anak ko. Hindi na kasi ako masyadong nagkaroon ng oras para sa kanila nitong mga nakaraang araw. Masyado akong naging abala sa imbestigasyon, sa mga problema ng kompanya, at sa mga bagay na unti-unting lumalalim sa pagitan namin ni Sebastian.Kaya kahit simpleng panonood lang sa kanila habang kumakain, gusto kong sulitin. Tinitingnan ko si Chloe na masayang nagkukuwento habang si Caleb naman ay tahimik na nakikinig, paminsan-minsan ay sumasagot sa kapatid niya. Sa mga sandaling ganito, napapaalala sa akin kung gaano kabil
Read more