SERENA'S POVHis deep voice echoed throughout the hallway.Ma'am Hannah, Daniel, and the two guards behind him visibly stiffened. Kahit ako ay napatuwid ng tayo nang marinig iyon. Hindi ko akalaing may isang estranghero—at isa pang VIP ng hotel na ito—ang sasagip sa akin.Sanay na akong maliitin sa nakalipas na anim na taon dahil sa estado ko.Isang twenty-seven-year-old na babae na may kambal na anak, nagtatrabaho sa call center sa umaga at naglilinis ng hotel sa gabi habang may utang na ten million pesos, ay inililigtas ngayon ng isang lalaking pinagkalooban ng kagwapuhan, kapangyarihan, at kayamanan.Mas malala pa roon, inangkin pa niyang asawa niya ako at ang mga kambal ko ay mga anak niya.This man is so mysterious that I can't read him.His dark blue eyes locked onto Ma'am Hannah's. Mas mabigat ang dating ng titig niya ngayon, para bang sapat na iyon upang mapaatras ang kahit sino."How dare you lay your hands on my wife and my twins?" dagdag niya.Napatingin ako sa mga anak ko.
최신 업데이트 : 2026-06-05 더 보기