Naglakad pabalik sa loob ng mansyon si Astrid. Laking gulat niya nang makasabay si Ruex sa pagpasok. Kaka-park lang ito at saktog bumaba sa kotse.As much as possible, she tried to act normal. Halos pigilin niya ang hininga para hindi siya mapansin ni Ruex. Kaya lang may kumawalang hangin. Kasabay no’n ay pagka-rinig niya ng tinig ng lalaki.Kinausap siya!“Nagkita na ba tayo noon?”Halos mahulog ang puso ni Astrid. Napatigil siya sa paglalakad nang tumigil si Ruex sa harapan niya.Kinakabahan siyang sumagot, “H-Hindi pa po.” Technically, hindi pa siya nakikilala ni Ruex, hindi pa nga sila nagkakausap ng ganitong maayos na usapan at talagang harap-harapan. Napaisip ang lalaki. “No, I know we already met before.”“Kahapon po? Sa interview?” “No, no. Long before that.”Alam na ba niya—agad?! Hindi pa siya nagtatagal ng isang araw, nabuking na agad kung sino siya? Walang mapaglagyan ang kaba ni Astrid.“That day… Ikaw ba ‘yon?” Naningkit ang mga mata ni Ruex, nangingilala. Mayamaya,
閱讀更多