Kasasabi lang na susubukan kalimutan ni Astrid ang nangyari, pero magagawa niya pa nga ba ngayong may munting alaalang nagsisimulang mabuhay sa sinapunan niya? “Anong sabi? Sumagot na ba sa tawag?” Umiling si Astrid sa kaniyang kaibigan. “Aba! Bruha talaga ‘yang si Madam Beth! Sampung milyon, higit pa sa tripleng presyo ng bahay mo—ang lakas niyang itakas ang perang naging kapalit ng dignidad mo!” Kung kailan pa kailangang-kailangan ni Astrid ang pera para sa pagbubuntis niya. Nalaman nilang tinakbo ni Aling Beth lahat ng pera mula kay Ruex sa auction. Twenty percent lamang ang parte ni Aling Beth, pero dahil sa kaniya dumirekta lahat ng pera, kinamkam niya lahat. Ngayon haka-hakang nasa ibang bansa na raw ito, o kung saan mang parte ng mundo na hindi nila ma-contact. “Una pa lang, dapat naisip ko nang posibleng ganito ang gagawin niya. Lalo noong tumagal ang proseso ng pag-deposito niya sa akin,” napagtantong wika ni Astrid. “Ano nang gagawin natin? Hindi pwedeng wala tay
Read more