Home / Romance / Best Maid Ever / Chapter 11: Mommy!

Share

Chapter 11: Mommy!

last update publish date: 2026-06-18 23:51:49

Naunang bumaba si Zee kung saan gaganapin ang book launch. Siya ang humaharap sa madla para kay Astrid.

Gaya ng dating gawi bilang walang mukhang author at CEO, makikinood lang sa si Astrid sa sariling event. Nakahalo sa mga tao. Nagpapanggap na simpleng customer.

Ilang oras pa bago ang official start marami nang nasisidatingan. Mga kabataan, guro, taga hanga niya. Karamihan mga bata na kasama ang kanilang mga magulang.

“Sir, hindi po kayo pwedeng pumasok kung wala kayong kasama.”

Ang sir na t
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Best Maid Ever   Chapter 13: The Start

    Pinagsawalang bahala ni Ruex ang sinabi ni Rowan tungkol sa ‘mommy’ niya. Akala niya doon na matatapos ‘yon kaya lang…“Dad.”“Hm?”“Mommy Astrid is pretty,” tukoy niya sa babae noong isang araw.“Maybe. I haven’t seen her face yet. Ano naman ang gagawin ko?” si Ruex with matching kunot noo.“You should marry her.”“No.”“Okay.” Pout.The next hour. “Dad.”“What?”“If you marry Mommy Astrid I will be happy.”“...”Bumagsak ang mga balikat ni Rowan dahil hindi sumagot ang kaniyang ama. “You don’t want me to be happy?” paawa niyang wika.“Rowan…” may banta sa boses ni Ruex.Tumayo siya ng tindig at kumaway. “I’ll play with my toys. Bye.”Three hours later.“Dad.”Napahinga ng malalim si Ruex. “What now?” “Nag-sabi na ako sa kaniya. Sabi ko po sa kaniya bagay kayo. Single ka. And I think single siya, okay lang sa kaniya na tinawag ko siyang mommy e. Kaya pwede kayong maging mag-asawa!” bibong bungad ni Rowan. “I already told her that she is my mom and so you will need to marry her.”“Y

  • Best Maid Ever   Chapter 12: Complete Family

    “ANO?!” Napatayo si Ruex dahil sa binalita sa kaniya ng kanilang driver. “What do you mean wala si Rowan sa school niya?”Nagsimulang kabahan ang driver. “O-Opo, sir. Maaga silang pinalabas ngayon. Wala po siya, nakauwi na raw po sabi ng mga teacher.”“Sa mansyon?”Umiling ang kausap. “Dumiretso agad kami sa mansyon pero wala pa po ang young master. Pumunta po ako rito para ipaalam sa inyo...”“Then who’s finding him?!” “Sinusubukan pa po ng mga tauhan—”Nag-init ang ulo ni Ruex. “Ikaw, ano pang ginagawa mo? Get out and look for him too! O lahat kayo matatanggal sa trabaho!”Nagmamadaling sumunod sa utos ang driver.Napaupo muli si Ruex sa kaniyang swivel chair at napasapo ng ulo. That kid! Sobra siyang nag-aalala. Maski kaunting galos nga lang, nandyan na agad ang mga best doctors sa bansa sa isang tawag niya lang. Hindi niya kayang nasasaktan si Rowan. Ganoon niya kamahal ang anak niya. Saan naman magtutungo ang batang ‘yon?Napatayo ulit si Ruex nang may maalala. Iisang lugar l

  • Best Maid Ever   Chapter 11: Mommy!

    Naunang bumaba si Zee kung saan gaganapin ang book launch. Siya ang humaharap sa madla para kay Astrid. Gaya ng dating gawi bilang walang mukhang author at CEO, makikinood lang sa si Astrid sa sariling event. Nakahalo sa mga tao. Nagpapanggap na simpleng customer.Ilang oras pa bago ang official start marami nang nasisidatingan. Mga kabataan, guro, taga hanga niya. Karamihan mga bata na kasama ang kanilang mga magulang.“Sir, hindi po kayo pwedeng pumasok kung wala kayong kasama.”Ang sir na tinutukoy ay hindi man lang abot ang tangkad sa kalahati ng lalaking humaharang.Isang batang lalaki ang nakatayo sa harap ng guard. Maayos ang suot niyang uniform, kalmado ang mukha, pero halatang hindi sanay na pinipigilan.“Bakit naman? Gusto ko lang bumili ng libro.”“Iyon po ang patakaran. Nasaan ang mga magulang mo? Naliligaw ka ba?”“Hindi. Gusto ko um-attend sa event. May dala naman akong pambili.”“Pero kailangang may kasama kapag bata.”Napabuga ng hangin si Rowan. Ang kulit ng guard na

  • Best Maid Ever   Chapter 10: Mysterious Author

    “And they live happily ever after. The end.” Sinara ni Ruex ang librong binabasa. Nagtagpo ang mga mata nila ni Rowan, dilat na dilat pa. “Rowan, bakit hindi ka natutulog?” “Naghihintay ako.” “Ng?” “Hintaying mapansin mong malungkot ako.” Ngumuso si Rowan nang pagmasdan lang siya ng daddy niya. “Hindi gumana?” “That was the last story, no more tonight.” Tumayo si Ruex mula sa pagkakahiga, nilagay niya ang mga libro sa shelf at binalikan si Rowan. Umupo siya sa gilid ng kama. “Matulog ka na. Bukas na ulit kita babasahan.” Inayos niya ang starry night themed na kumot ng anak. “Kabisado mo na lahat ng stories, hindi ka pa ba nagsasawa?” “No. Never!” Napangiti si Ruex. Siya rin. Pareho nilang paborito ang naturang mga libro. Gabi-gabi nagbabasa ng stories si Ruex habang taimtim na nakikinig si Rowan. “Daddy.” “Hm?” “Nakita ko sa internet na may hard launch ang new book ng favorite nating author. Punta tayo bukas?” nagniningning ang mga mata ni Rowan. “Bukas? W

  • Best Maid Ever   Chapter 9: Five Years Later

    “Young master!” hinihingal na kakahabol ang yaya ni Rowan. Huminto siya sandali para huminga.Napalingon ang limang taong gulang na si Rowan. Hindi pa rin siya tinatantanan ng yaya niya. May tatlo pang ibang katulong ang nakasunod at dalawang bodyguard. Kaya pala parang masunurin si Rowan simula pa kanina. Noong lumabas sila sa pinto, doon nagsimulang magtatakbo ang young master sa kanilang malawak na bakuran.Ang bilis ng bubwit, ang layo na ng pagitan nila. “Young master! ‘Wag na po kayong tumakbo! Mahuhuli na kayo sa klase!” “Ayokong pumasok!”“Hindi po pwede, young master! Kailangan mong pumasok sa school!”“Ayoko nga—ouch…” Nabunggo si Rowan sa malaking bulto. Nang iangat niya ang tingin kung sino ito, nanlaki ang mga mata niya. “Daddy?!”Hinawakan ni Ruex ang likod na kwelyo ng uniform ni Rowan. Bahagya siyang umangat kaya kahit sinusubukan niyang tumakbo ulit, naggagagalaw lang sa hangin ang mga binti niya.“What’s happening here?” tanong ni Ruex sa mga tauhan.Isa-isang nags

  • Best Maid Ever   Chapter 8: Not A Goodbye

    “MANGANGANAK NA ATA AKO!”Napabaligwas ng bangon si Zee at saka kumaripas ng takbo sa katabing kwarto. Doon niya nakita ang pawisang si Astrid.“M-Manganganak na ako, Zee. Dalhin mo na ako sa ospital...” hingal ni Astrid.“Okay! O-Okay. Huwag kang matakot. Nandito ako,” mabilis na sabi ni Zee kahit siya mismo ay kinakabahan na rin.Mabuti at nang dumating ang kabuwanan ni Astrid, talagang naglaan si Zee ng leave para masahaman at maalagan si Astrid. Sa bahay pa nga siya ng kaibigan pansamantalag natutulog dahil mahirap kung mag-isa siya kapag ganitong manganganak na.Hindi nagtagal ay nasa ospital na sila.Ilang oras na pagle-labor ang lumipas bago tuluyang marinig ni Astrid ang pinakahihintay niyang tunog. Ang iyak ng kaniyang anak.Napawi ang lahat ng pagod niya. Napapikit siya habang bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata.“Congratulations, Ma’am. Baby boy po.”Nang tuluyang makita ni Astrid ang maliit na sanggol na inilapit sa kanya, parang tumigil ang mundo niya.Napakaliit nito.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status