Home / Romance / Best Maid Ever / Chapter 20: A Goodnight Sleep

Share

Chapter 20: A Goodnight Sleep

last update publish date: 2026-07-03 23:42:59

Naalimpungatan si Rowan, nagmulat siya ng mga mata. Madilim pa sa labas. Nakita niya sa tabi ang natutulog na ama.

Nakampante siya subalit agad napabangon.

“Si nanny! Umalis na ba siya?”

Nagulat siya dahil sa gilid ng kama, nakasandal ang ulo ni Astrid. Nakupo ito sa lapag habang ang isang braso ay nakapatong sa kama sa kabilang side ni Rowan, malapit sa kaniyang uluhan.

Tumingin siya sa kanan. Ang daddy niya. Sa kaliwa naman. Ang nanny niya.

Hindi niya inaasahang makikitang nandito sa kwar
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Best Maid Ever   Chapter 21: Real Future Mom

    May girlfriend si Ruex? Kailan pa? Walang alam si Astrid at wala siyang nasasagap na balita. Ngayon lang!“Hindi lang nobya. Ang dinig ko, ikakasal na sila. Mabuti nga ‘yon nang magkaroon na ng tatayong ina para kay young master.”Natapos ang usapan nila na lumilipad ang utak ni Astrid. TINATALAKAY ang mahalagang usapin sa meeting hall ng Villaflor Vertex Group. Mas kilalang VVG, sila ang pinakamalaking technology empire sa bansa at kinikilala sa iba’t ibang panig ng mundo. Lahat ng sakop ng teknolohiya ay may sangay ang VVG.Nangunguna sila sa paggawa ng mga gadget at apps, they do robotics and cybersecurity pati klase ng mga infrastructure. Mas lalong lumago ang kumpanya dahil sa pagtaas ng bilang ng mga gumagamit ng artificial intelligence na siyang forte nila. They need to widen their scope. Isa sa mga nakikita nilang paraan ay sa pamamagitan ng pag-merge nila sa isa pang empire, ang kumpanya ng mga Miller.When the meeting was adjourned, Ruex and his father remained in the room

  • Best Maid Ever   Chapter 20: A Goodnight Sleep

    Naalimpungatan si Rowan, nagmulat siya ng mga mata. Madilim pa sa labas. Nakita niya sa tabi ang natutulog na ama. Nakampante siya subalit agad napabangon. “Si nanny! Umalis na ba siya?” Nagulat siya dahil sa gilid ng kama, nakasandal ang ulo ni Astrid. Nakupo ito sa lapag habang ang isang braso ay nakapatong sa kama sa kabilang side ni Rowan, malapit sa kaniyang uluhan. Tumingin siya sa kanan. Ang daddy niya. Sa kaliwa naman. Ang nanny niya.Hindi niya inaasahang makikitang nandito sa kwarto ang dalawa.Abot tainga ang ngiti niya. Dahan-dahan niyang inalis ang kumot at hinakbangan ang daddy niya. Lumipat siya sa likod nito. Kinaway niya muna ang palad sa nakapikit na mukha ni Ruex. Nang masiguro niyang mahimbing ang tulog nito, maingat niyang itong tinulak pausog. Ngayon, magkatabi na ang daddy niya at future mommy niya! Dahil nasa uluhan si Astrid at naka harap si Ruex sa kaliwa, halos magkapalit ang mga mukha nila.Tinakpan ni Rowan ang bibig para itago ang maliit na bungisngi

  • Best Maid Ever   Chapter 19: Wanted, Don't Leave

    “Nanny… galit ka po?”Kanina pa walang imik si Astrid kaya nangamba na si Rowan. Tahimik silang magkatabi sa loob ng kotse. “Sorry po. ‘Wag ka na magalit, please?” Sinilip ni Rowan ang makulimlim na mukha ng kaniyang nanny.Hindi nakatiis si Astrid sa malamlam na tinig ng kaniyang anak. Binawi niya ang tingin sa bintana at hinarap si Rowan.Napabuntong hininga siya.Inayos niya ang buhok at suot nito. “Hindi ba masakit ang mga gasgas mo?”Tinignan ni Rowana ng ilang maliliit na galos sa siko, palad, at tuhod. Umiling agad siya.“Basta po hindi ka na galit sa akin.”“Hindi naman ako galit.” Ngumiti pa siya para patunayan ang sinabi.“Galit ka po. Gan’yan ang itsura ni daddy kapag galit siya. Alam ko po.”Naalis ang ngiti ni Astrid. Galit siya, pero hindi sa anak niya. Nagagalit sa sa mga taong inaapi ang anak niya. Hindi niya magawang ipagtanggol ang anak niya.Mas galit siya sa sarili niya dahil siya ang dahilan kung bakit napaaway si Rowan. “Hindi ako galit sa ‘yo,” paglilinaw ni

  • Best Maid Ever   Chapter 18: Bullies

    “Class, attention. Greet your new classmate.”Sa isang kilala at marangyang eskwelahan lumipat si Rowan. Pinakilala siya ng teacher sa klase at pinaupo sa bakanteng upuan sa harap. Isa siyang tahimik na estudyante—total opposite ng ugali niya sa bahay. Kung anong kinakulit niya sa kanila at sa harap ng daddy niya, siya namang kinatahimik niya sa school. “Rowan, bakit ayaw mong lumabas at sumama sa mga classmates mo sa cafeteria? Mag-isa ka lang dito sa room.”“Okay lang po, teacher.”Recess time pero nag-aaral siya. Walang nagawa ang guro at hinayaan si Rowan mag-isa sa room.Sanay siyang walang kaibigan kahit sa huling naging paaralan. This is why he hates going to school. It’s boring. Walang magawa. The lessons in kindergarten are too easy for him too. Tuwing uwian talaga siya ginaganahan, tulad ngayon. Panay ang linga niya sa waiting area, excited makita ang kaniyang nanny.“Rowan Villaflor,” lumapit ang mga grupo ng mga lalaki sa klase niya, pinapangunahan ng isang batang nakataa

  • Best Maid Ever   Chapter 17: Nagbibinata

    “What are you doing in my house, Ryan?”“Bawal ba? Magpinsan naman tayo. Hindi naman ako pinagbabawalan ni tita at tito.”Katulad ng mansyon ni Ruex sa probinsya, mayroon din siyang sariling opisina. Sa sobrang lawak ng mansyon ng kaniyang mga magulang talagang may sarili silang mga opisina bukod pa sa kanilang mga kwarto. May library, entertainment room, gym, may bar pa nga, pool at garden naman sa labas.“Puro ka trabaho. Simula nang dumating si Rowan sa buhay mo hindi ka na sumasama sa akin. Come on! Hindi ka ba nabuburyo?”“Mas nabuburyo ako kapag kasama kita.”“Sus! Tara, may alam akong bagong lugar.”Napatigil si Ruex sa pagtipa sa kaniyang laptop at hinarap ang nakangising pinsan.“Pumunta ka mag-isa mo. Hindi ako interesado.”“Nag-iba ka na talaga! Dati napipilit pa kita. Ngayon wala nang umuubra sa ‘yo.” Napailing si Ryan. “Iba talaga kapag tatay na.”“You will understand me once you become a father,” sabi ni Ruex.Kinilabutan si Ryan. “Cous! ‘Wag kang magsasabi ng gan’yan! B

  • Best Maid Ever   Chapter 16: Cupid's Mission

    “ATE ASTRID!” Kasalukuyang niyuyogyog ni Lorraine si Astrid. Pagkatapos ng mga gawain nila ngayong araw, dumiretso agad ang dalagita sa kwarto ni Astrid dahil nga sa nangyari sa baba kanina.“Grabe ka! Anong mommy? Tinawag kang mommy ni young master! May relasyon kayo ni Sir Ruex? Tama bang nanny ka rito o dapat Ma’am Astrid na ang itawag ko sa ‘yo?”“Teka, teka, teka…” hinuli ni Astrid ang mga kamay ni Lorraine sa balikat niya para itigil ang pagyugyog sa kaniya. Nahilo na siya!Bakit kahit wala rito ang best friend niyang si Zee eh parang may pumalit naman?Natawa siya sa manghang-manghang mukha ni Lorraine. Umiling siya para sagutin ang sandamakmak na tanong nito. “Hindi, mali ka. Wala kaming relasyon ni Sir Ruex,” pagsasabi niya ng totoo. Kahit naman sabihin nating may nangyari sa kanila noon at si Rowan ang naging bunga, hindi naman ibig sabihin may namamagitan na sa kanila. At! Mas malabong maging Ma’am siya sa mansyong ito.“Eh bakit parang sobrang gusto ka ni young master? Sa

  • Best Maid Ever   Chapter 7: Think Positive

    Kasasabi lang na susubukan kalimutan ni Astrid ang nangyari, pero magagawa niya pa nga ba ngayong may munting alaalang nagsisimulang mabuhay sa sinapunan niya?“Anong sabi? Sumagot na ba sa tawag?”Umiling si Astrid sa kaniyang kaibigan.“Aba! Bruha talaga ‘yang si Madam Beth! Sampung milyon, higit

  • Best Maid Ever   Chapter 3: Auction Night

    NAGSIMULA na ang event. Sunod-sunod ang pagdating ng mga bisita sakay ng magagarbo nilang sasakyan. Bukod sa mamahaling tuxedo at gown, nakasuot ng mask ang bawat isa. Nagmistulang ibang mundo ang loob ng grand ballroom. Kumikinang ang mga kristal na chandelier sa mataas a kisame habang dumadaloy a

  • Best Maid Ever   Chapter 2: The Offer

    “Dito na po ‘yon?” Sinilip ni Astrid mula sa bintana ng taxi ang gusali sa tapat nila. Mukhang ito na nga ang lugar.“Sige po d’yan na lang sa tabi.”Nag-taxi na siya papunta. Mahal at masakit sa bulsa pero worth it naman siguro dahil trabaho ang pupuntahan niya.Hindi niya mapigilang mamangha sa n

  • Best Maid Ever   Chapter 1: Mahirap Maging Mahirap

    Hindi na magkandaugaga ang mga tao sa loob ng maliit na karinderya. Palibhasa’y oras ng tanghalian. Marami ang nakapila. Halos puno na lahat ng mga lamesa.Sumilip ang isang serbadora sa loob ng kusina. “Astrid, pahatid naman ng order!” Lumabas si Astrid at tinuyo ang basang kamay sa suot niyang a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status