“Sino ang nagsend nito?” nanginginig na tanong ni Eunice.Mahigpit ang pagkakahawak niya sa gilid ng mesa, na para bang iyon na lang ang pumipigil sa kanya na tuluyang bumigay. Hindi niya inakalang aabot sa ganito ang sitwasyon. Akala niya, tsismis lang ito tungkol sa pagkikita nilang magkasama, isang bagay na madaling mapapawi.Pero ito? Masyado na itong lumala, lalo na kung malaman ng lahat ang totoo.“Si Sandro ang nagsend nito,” sagot ni Brian. “Alam niyang close friends tayo.”“Sinong Sandro?” usisang tanong ni Mara.“'Yung production supervisor sa likod. Kaibigan ko siya, at huwag mo nang balakin lumandi roon. May girlfriend na siya at ikakasal na sila next year,” pabirong sabi ni Brian kay Mara.“Grabe ka talaga, kung anu-ano agad pumapasok sa isip mo,” reklamo ni Mara.Pakiramdam ni Eunice, biglang tumigil ang mundo niya.Unti-unting nawala ang ingay sa paligid, na para bang may hindi nakikitang pader na naghihiwalay sa kanya sa lahat ng nasa paligid.Ang tanging naririnig na
Read More