“Sabi nga nila, minsan nagsisimula ang pag-ibig sa inisan.”Sabay na napasigaw sina Brian at Mara. “Hindi!”“Ngayon, puwede n’yong sabihin ’yan. Pero sa future, hindi natin alam kung baka kayo pala ang itinadhana ng Diyos para sa isa’t isa,” sagot ni Eunice, dahilan para sabay siyang kilitiin ng dalawa sa sobrang inis.Pero pagkatapos no’n, sabay namang tumingin sina Brian at Mara kay Eunice.“Bakit?” tanong ni Eunice.“Ibig sabihin, dati ba kayo ni Sir Hector, asaran din?” tanong ni Mara.“Ahem!”Nabulunan pa si Hector sa tanong ni Mara. Talagang kung anu-ano ang naiisip ng mga ito kapag magkakasama. Napatawa na lang si Wendy habang pinaghahanda sila ng maiinom.Talagang nagpapasalamat si Wendy. Kahit wala siyang sariling anak, pakiramdam niya marami na rin siyang anak ngayon. Kapag nagtitipon-tipon ang mga ito sa bahay niya, siguradong masaya at maingay ang buong bahay.“Kapag kasal na sina Eunice at Hector, dito pa rin kayo magtipon sa bahay niyo, ha,” sabi ni Wendy sa kanila.“Eh,
Read more