"Huwag kang magbiro, Francis," kalmadong sabi ni Eunice.Kahit ang totoo, hindi siya kalmado matapos marinig ang sinabi ni Francis. Sa isang pagkakaibigan, ito ang bagay na pinakakinatatakutan ni Eunice. Bakit?Dahil puwedeng masira ng ganitong bagay ang pagkakaibigan. Kung dati ay maayos naman ang lahat, sa huli ay magiging awkward na, mag-iingat na sa isa't isa, at unti-unting lalayo. Simula noong college sila, wala kailanman naging romantikong damdamin si Eunice para kay Francis. Itinuturing niya itong kaibigan, gaya ng iba pa nilang mga kaibigan."Hindi ako nagbibiro, Eunice. Seryoso ako sa sinabi ko.""Salamat sa pagiging honest mo. Pero hindi ako ang tamang tao para sa iyo, Francis. Hindi rin ako karapat-dapat sa iyo."Naalala ni Eunice noon, nang minsang nagkakasama-sama sila ng iba pa nilang kaibigan. Kung anu-anong topic ang napag-usapan nila hanggang sa napunta ang usapan sa ideal na asawa.Noon, sinabi ni Francis, "Gusto kong makahanap ng mabuting babae, galing sa maayos na
Read more