"Eh, ano?!" sigaw ni Mara, tarantang inaayos ang damit niya."Meron ba talaga?" tanong ni Brian habang agad na tinitingnan ang leeg ni Mara at napatawa.Tinitigan lang ni Eunice ang dalawa at umiling."Huwag kayong magpapalampas ng boundaries, ha," seryosong paalala ni Eunice."Relax, Ate. Hanggang dito lang naman," sagot ni Brian habang inaayos ulit ang damit ni Mara at umuupo sa tabi ni Eunice."Oo, pinapaalalahanan lang naman kita. Sapat na sa akin na ako ang nakaranas ng ganito," sabi ni Eunice habang sinulyapan si Hestia.Ang ibig niyang sabihin, sapat nang siya ang nabuntis bago ikasal. Ayaw niyang maulit ni Mara ang nangyari sa kaniya."Sino ang unang nagkagusto?" mausisang tanong ni Hector.Muling nagkatinginan sina Mara at Brian, saka sabay na nagkibit-balikat."Hindi ko rin alam kung sino ang unang nagkagusto. Pero kung sino ang unang umamin, siyempre ako," sagot ni Brian."Good. Ibig sabihin, gentleman ka pala, Brian.""Syempre naman."Lalo pang naging curious si Eunice sa
Read more