LIA POV"Caleb," tawag ko sa pangalan niya. Ang boses ko ay hindi man lang nanginig, kahit na ang totoo ay kumukulo na ang dugo ko sa inis.Lumayo ako nang isang hakbang mula sa aming lahat, mahigpit na yakap ang sketchpad ko sa dibdib. Para akong may hawak na kalasag laban sa kanila. Tiningnan ko ang naglalakihang mga tauhan niya na naka-suit, si Julian na nakatayo sa pagitan ko at ng mga bouncer ni Caleb, at ngayon, ang mismong rurok ng pamilya Montellano na naglalakad patungo sa akin na parang pag-aari niya ang buong eskinita. Ano bang akala ng mga lalaking ito sa akin, premyo sa paligsahan?Gusto kong sumigaw, gusto kong itapon sa mga mukha nila itong sketchpad ko para lang marealize nila kung gaano sila kawalang-galang sa espasyo ko. Kahapon lang, si Troy ang nanggugulo rito. Kagabi, si Jax. Ngayong umaga, sabay na naman silang dalawa ni Julian. Buong buhay ko, naging sunod-sunuran ako sa bawat schedule na itinakda ng mga Montellano para sa akin, bawat business meeting na kailan
Read more