LIA POVMaingat kong isinuot ang champagne gold column gown na halos isang linggo kong pinagpuyatan. Dahan-dahan kong hinila ang invisible zipper sa tagiliran, at nang marinig ko ang swabe at tuyong tunog ng pagsara nito, nakahinga ako nang maluwag.Tumingin ako sa salamin.Ang bagsak ng satin ay sumunod sa bawat kurba ng katawan ko nang walang labis at walang kulang. Ang draping sa may balikat ay malinis, at ang neckline ay may sapat na lalim para magmukhang elegante pero hindi bastos. Sa ilalim ng bumbilya ng maliit kong kwarto, tila may sariling liwanag ang tela. Ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng sarili kong gawa na suot ko mismo. Hindi masama, Lia. Hindi masama para sa isang pinalayas.Noong nakatira pa ako sa mansyon, bawat gown na isinusuot ko sa mga charity gala o corporate events ay pinipili ni Tita Helen. Laging kulay pastel, laging Conservative ang tabas, at laging may mabulaklak na detalye na tila ba sinasabi sa mundong
Baca selengkapnya