Isang Misteryosong DeliveryCELESTIA'S POVDalawang araw na ang nakalilipas mula nang maging pangunahing usap-usapan sa buong lungsod ang Ellie's Akhine Choco Krunch Cereal. Parang kailan lang, simpleng plano lang ang pagbubukas namin ng shop na ito bilang front at safehouse, pero ngayon, hindi na namin magawang magpahinga dahil sa dagsa ng tao.Maaga pa lang ay halos puno na agad ang loob ng shop. Ang amoy ng sariwang gatas, banayad na matcha, at malapot na tsokolate ay humahalo sa hangin, nagbibigay ng nakapapawing-pagod. "Good morning po, Ate Celestia! Pareho po ng order ko kahapon, ah? Grabe, 'yung asawa ko, matapos kumain ng Ube Blend niyo, biglang sumigla ang katawan! Nawala ang rayuma!" masayang bati ng isa sa aming mga regular na customer, isang may-edad na nanay na may bitbit pang eco-bag."Naku, mabuti naman po kung ganoon! Isang malaking Chocolate Krunch at dalawang Ube Blend po ba? Heto na po, maraming salamat sa pagtangkilik!" nakangiti kong tugon habang maingat na inaab
Read more