Ang Hindi Nakikitang KaibiganALEXANDER’S POV"I-rewind mo ang cctv footage, Mark. Tingnan mo ang anggulo sa kanang bahagi ng monitoring glass," mariin kong utos habang nakatitig sa naglalakihang monitors ng control room.Mabilis na pinihit ni Mark ang controller. Sa screen, paulit-ulit naming pinapanood ang recording ni Basti mula kanina.Kitang-kita roon kung paano ngumiti, kumaway, at makipag-usap ang aking limang taong gulang na anak sa direksyon ng antigong salamin. Ngunit kahit anong pino ng filter at enhancement ang gawin ko sa thermal at optical feed—walang lumalabas na kahit ano. Sa camera, si Basti lang ang mukhang nagsasalita mag-isa sa kawalan."Sir Alexander, malinis ang visual feed. Walang hologram distortion, walang hidden light spectrum, wala talagang taong kausap si Basti," ulat ni Mark na napapakamot na sa kaniyang ulo.Napabuntong-hininga ako at ibinaba ko ang aking hawak na baso ng kape.Kung ang aking mga sensor ay nakakadetek ng brainwave pattern, ibig sabihin ay
Read more