CHAPTER 80Ramdam ko ang galit sa bawat pagbigkas ng mga salita ni Tita Jillian. “You did the right thing, Mom. We should accept any gifts or even help from their family. I really regretted my decision of helping her,” dismayadong sabi ni Julian. Totoo naman. Kung hindi lang sila nagpapanggap ay baka wala siyang problema ngayon. “Don’t be mad at yourself, Julian. You are a good friend and you just wanted to help her. Pero she did not appreciate your help at ito pa ang sinukli niya sa ‘yo,” Pinanggigilan ni Tita Jillian ang pisgni ng anak ko kaya bigla na lang itong ngumiwi at sunod naming narinig ang pag-iyak nito. “Mom!” pasigaw na sabi ni Julian sa mommy niya. Kukunin pa sana nito ang anak namin. Namumula na ang pisngi nito, mabilis lang mamula ang pisngi niya. Minsan gigil din ako sa taba ng pisngi niyan. “Jillian, his cheeks turned red already!” saway naman sa kanya ni Tito Limbert. “Sorry, my handsome apo! Sorry! Mommyla loves you very much,” pag-aalo niya sa aming anak.
Read more