CHAPTER 133AFTER FIVE YEARSLimang taon na ang nakalilipas,parang kailan lang. A lot has changed since then. Dumaan ang mga araw na may mahirap at may masaya, pero isang bagay lang ang hindi nagbago, ang pamilyang kasama ko. Limang taon na, at araw-araw pa rin, nagpapasalamat ako. Sa loob ng panahong iyon, nadagdagan pa kami ng isang pang anak, isang lalaki. Gusto pa sana namin ni Julian na magkaroon pa. Pero hindi na maaari. Naging maselan ang pagbubuntis ko sa pangalawa. Sinabi na rin ng doktor magiging mas delikado pa kung susubukan naming magkaroon ng pangatlo.Takot na rin si Julian. Nakita niya kung gaano ako naghirap, at alam niyang muntik na akong mawala sa kanya. Hindi niya kayang isipin na maulit pa iyon. Plano ni Julian na magkaroon kami ng maraming anak, pero iba ang plano ng Diyos sa amin. Kahit dalawang anak lang ang binigay sa amin at hindi iyon umayon sa aming plano ay naging masaya pa rin kami.Binata na ngayon si Cael, sampung taong gulang na. Si Calvin naman, ang
Leer más