CHAPTER 89“Iniwan ko na lang d'yan sa labas, ma'am! Kukunin ko lang sana kung nandito pa ang pagkain namin. Nandoon lang siya sa labas, ma'am. Baka dahil din sa aircon kaya siya nasuka. Hindi ko nga naisip'yon, hindi pa naman sanay sa aircon ang anak ko,” sagot nito sa akin.Ramdam ko ang pagmamahal niya sa kanyang anak sa tuwing nagkikita kami. Lahat ng ginagawa niya para sa kanyang anak. Palagi niyang kinukwento sa amin ang anak niya. Sa totoo lang, naiinggit ako sa tuwing nakakakita ako ng mga ina na kasama nila ang kanilang mga anak. Kung kasama ko lang sana si Cael ngayon.“May sakit siya, 'no? Dahil nga ata 'yon sa aircon. Mabilis lang nilang matatapos ang order niyo. Hinahanap na siguro kayo ng anak niyo,” wika ko.Pinatong niya ang kanyang siko sa ibabaw ng mesa. Napangiti ako, kumportable na siya sa amin.“Mas hahanapin nun ang pagkain, ma'am. Nung mahimasmasan na siya una niyang hinahanap kaagad ang pagkain. Paborito niya kasi ang McDo. Nung nasa isla kami minsan lang naman
Read more