Home / Romance / My Probinsyana Maid / Chapter 1: Harmie's Charm

Share

My Probinsyana Maid
My Probinsyana Maid
Author: MR.ROMANTICO

Chapter 1: Harmie's Charm

Author: MR.ROMANTICO
last update publish date: 2026-06-12 19:04:00

Abala ang mga tao sa Mansyon dahil parating ang panganay na anak nina Don Klint at Donya Hillary na si Luther. Doon kasi ito magpagaling mula sa pagkaka-aksidente nito. Iyon din ang advice ng Doktor para sa agaran nitong paggaling.

"Harmie, halika!" Tawag ni Mona sa anak nito.

Doon na lumaki sa Mansyon si Harmie palagi itong kasa-kasama nina Mona at Zandro. Bukod doon ay scholar pa ito ng pamilyang Verdadero hanggang sa matapos nito ang kanyang pag-aaral. Pero hindi sa publikong paaralan nag- aral si Harmie kung hindi doon sa school kung saan puwede ang mga may special needs na mag- aaral. Lalo na noong nagkasakit ang dalaga na naging sanhi ng mabagal nitong pagkakaintindi minsan sa mga bagay-bagay. Ganoon pa man ay nagpapasalamat pa din sila sa Diyos at lumaki ang kanilang miracle baby na mabait at masunurin.

"Ano 'yon Inay?" nakangiting tanong ni Harmie paglapit nito sa Ina.

"Gusto ni Donya Hillary ikaw ang personal na katulong ni Senyorito Luther pagdating nito. Huwag kang magpapasaway ha?" Bilin ni Mona.

Napahagikhik naman si Harmie.

"Kailan pa po ako nagpasaway Inay? Saka, pogi po ba si Senyorito Luther? Kasi si Senyorito Lander guwapo pero babaero, ganoon din si Senyorito Lance!" Anito.

"Magtigil ka, nakapa-tsimosa mo!" Saway naman ni Mona sa anak nito.

Nanulis ang nguso ni Harmie. "Totoo naman po nakita ko kaya!"

"Sinabi ng magtigil ka! Nagpapasaway ka na naman, kurutin ko ang singit mo eh! Pumaroon ka na nga at malapit na sina Senyorito Luther," muling saway ni Mona sa dalaga saka nito itinaboy.

Para namang bubuyog na lulugo-lugo si Harmie habang papalayo ito sa kanyang Ina. Totoo naman kasi ang sinabi niya makailang ulit na nitong nakita ang mga Senyorito sa malalaswang sitwasyon kasama ang iba't-ibang babae. At dahil hindi katulad ng ibang dalaga si Harmie ay madali lang nitong nakakalimutan ang mga nakita nito. Hindi din ito naasiwa sa pag-aakalang normal lamang iyon sa dalawang taong magkasama. Ku ng baga si Harmie ay napaka-inosente sa lahat ng mga bagay-bagay lalong-lalo na pagdating sa pag-ibig. Wala pa itong karanasan sapagkat naiiba nga ito sa ibang mga babae. Idagdag pang bantay sarado pa ito ng kanyang mga magulang. Sa katunayan nga sa kumbento talaga ito nag-aral sa mga may special needs at mga babaeng gustong pakaingatan.

"Harmie," tawag ni Lander sa dalaga nang makita nito.

Lumapit naman si Harmie sa bunso ng mga Verdadero.

"Ano po iyon Senyorito?" Tanong ng dalaga.

Kay tamis naman nang ngiti ni Lander habang pinagmamasdan nito ang napaka-inosenteng mukha ni Harmie.

"May dumi ba ako sa mukha Senyorito?" Tanong ulit nang dalaga.

Napakurap-kurap naman si Lander saka ito mahinang tumawa.

"May nakakatawa po ba?" Tanong na naman ng dalaga.

Mas lalo tuloy natawa si Lander. Nanlaki naman ang mga mata ni Harmie nang matitigan nito ang binata.

"Nababaliw ka na yata Senyorito! Dahil 'yan sa pagkababaero mo, sino na naman ang kasama mong umuwi?" Anito.

Nasapo tuloy ni Lander ang tiyan nito dahil sa kakatawa.

"Wala ka pa lang sasabihin Senyorito tinawag mo pa ako," nakasimangot na sabi ni Harmie at akma na itong aalis nang pigilan ito ni Lander.

"Sorry, Harmie! Nakakatuwa ka talaga, you're my happy pill. Itatanong ko sana kung nakita mo si Mommy," sabi naman ni Lander na nagseryoso na.

"Nasa may garden siya, akala ko pa naman bibilinan mo ako ulit na huwag maingay kasi may inuwi ka na namang babae dito." Tahasang sagot ni Harmie.

"Sshhh! Huwag kang maingay," anas ni Lander kay Harmie habang ang isang kamay nito ay nakatakip sa labi ng dalaga.

Inalis naman ni Harmie ang kamay ni Lander sa bibig nito at bahagya niyang itinulak ang binata.

"Ang baho ng kamay mo Senyorito, nagtubol ka ba?" nakangiwing tanong nito.

"Ha? Anong mabaho, kakaligo ko lamang ah!" Gulat na tugon ni Lander sabay amoy sa sarili nitong kamay.

Tumawa naman si Harmie.

"At inamoy nga ng unggoy ang kanyang kamay! Nakabawi din sa'yo Senyorito," anito at patakbo na nitong iniwan si Lander.

Naiwan na lamang si Lander na napapakamot ng ulo at natatawa. Subalit lumamlam ang mga mata nito pagkatapos niyang tanawin ang palalayong si Harmie.

"Harmie bakit ganyan ang hitsura mo baby?" tanong ni Lance nang makasalubong nito ang dalaga na natatawa.

Agad namang napawi ang ngiti sa labi ni Harmie at nag-seryoso.

"Magandang araw po Senyorito," bati nito.

Matamis namang ngumiti si Lance.

"Maganda talaga ang araw ko baby at nasilayan na naman kita," kindat pa ng binata.

Napabungisngis naman si Harmie sa tinuran ni Lance.

"Ang korni mo Senyorito hindi bagay sa'yo nagmumukha kang ermitanyo na may pagnanasa sa isang mortal na tao." Anito.

Napaubo naman si Lance saka muling napatawa sabay kurot sa pisngi ni Harmie.

"Ang cute mo talaga! Sayang nga lang at..."

"At ano, Senyorito?" inosenteng tanong ng dalaga.

"Ahm..wala! Nakita mo ba si Lander?" pang-iiba ng binata sa usapan nilang dalawa.

"Iniwan ko po doon sa may hallway at niloloko na naman niya ako." May inis sa boses ng dalaga.

"Hayaan mo na ang mokong na 'yon nagigiliw lang siya sa'yo." Sabi naman ni Lance.

"Parehas nga po kayo eh, bolero! Saka hindi na ako baby malaki na po ako, kaya huwag niyo na akong tawaging baby " nakalabi pang turan ni Harmie.

"Okay, okay okay! Love na lang ang tawag ko sa'yo o kaya ay honey," tumatangong sagot ni Lance.

"Ay hindi po, Harmie po ang pangalan ko hindi love at honey!" Giit naman ng dalaga.

Tawang-tawa naman si Lance at tinapik-tapik nito ang balikat ng dalaga.

"Mamaya na tayo mag-uusap ha? May kailangan lang akong sabihin kay Lander!" Turan ni Lance at iniwan na niya ang dalaga.

Napapailing na lamang si Harmie, nagtataka pa rin ang dalaga kung bakit napakabait sa kanya ng magkapatid. Kahit pa sinabihan ito ng kanyang Ina na huwag masyadong maglalapit sa dalawa pero hindi din nito mapigilan ang kanyang sarili. Giliw na giliw si Harmie kina Lander at Lance pakiramdam ng dalaga ay nagiging ganap siyang babae kapag kasama niya ang dalawa.

Ilang sandali pa ang lumipas at may dumating ng sasakyan na itim. Kaya nataranta silang lahat at agad na nagpila sa may entrance at maindoor. Alam nilang ang panganay ng mga Verdadero ang dumating at kailangan nilang magbigay pugay sa anak ng kanilang Amo.

"Maligayang pagdating Senyorito!" Magkakasabay na bati ng lahat sabay yukod nang makababa na ang binata at papasok na ito sa Mansyon.

Kagyat namang tumigil ang binata at pinagmamasdan nito ang kabuuan ng Mansyon. Sumilay ang ngiti sa labi nito dahil medyo matagal ding hindi siya nauwi doon. Na-miss din niya ang Mansyon at siyempre ang pamilya nito. Noon lang naramdaman ng binata ang kakaibang saya sa puso nito after so many years of being far away from his family and origins.

"Kuya!" Masayang bulalas nina Lander at Lance nang makita nila ang binata.

Ngumiti ang binata at nag-fist bump silang magkakapatid sabay yakapan.

"Ano, kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Lance pagkatapos nilang magyakapan na magkakapatid.

"A little bit okay, I need to recover so that I can continue my work." Sagot ng binata.

"Palagi ka na lang work, isipin mo naman ang sarili mo Kuya Luther." Sabi naman ni Lander.

Bahagyang natawa si Luther at kinutusan niya nang mahina si Lander.

"Hindi puwede, bilisan niyong mag-training at kayo ang hahalili sa akin sa ating mga negosyo. Alam niyo namang hindi na kaya ni Dad," anito.

"Oo na! Welcome home, halika na sa loob wala pa sina Mom and Dad." Tumatangong sabi ni Lance at inakay na nila ang kanilang Kuya sa loob.

Habang ang mga katulong ay unti- unti na ding nagkakahiwalay at bumalik sa kanilang mga trabaho pagkatapos pumasok sa loob ang kanilang mga Senyorito. Habang si Harmie ay walang kamalay-malay na dumating na ang panganay ng mga Verdadero sa Mansyon. Ito kasi ang sumama sa Mayordoma na nagpunta sa may palengke upang mamili ng mga kailangan na wala sa Mansyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
salamat Mr.Romantico sa update ...️
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Probinsyana Maid   Chapter 26: Makasamang Mata

    "Ang yummy naman ng pandesal nila," mahinang bulong ni Harmie sa sarili habang halos maduling siya sa pagtitig sa dalawang binatang nasa may quadrangle ng Mansyon.. Diyos ko, akala ko sa Korean at Chinese drama lang ko sila makikita!Parang gustong pasalamatan ni Harmie ang nag-imbento ng umaga. Parang hindi na siya sa Manila kundi nasa gitna na ng kalangitan."O, hija! Maaga ka ah?"Napakurap si Harmie nang mabilis nang marinig ang boses ni Yaya Fely mula sa likod niya. Muntik na niyang maibuga ang kape sa sobrang gulat. Agad niyang pinunasan ang labi niya gamit ang likod ng kamay habang pilit na ngumingiti nang parang walang nangyari."Ay, Yaya! Magandang umaga po. Opo, medyo naninibago pa po kasi ang katawan ko sa oras dito kaya maaga akong nagising," sabi niya habang pasimpleng sumulyap ulit dun sa dalawang lalaking nag-iinat sa damuhan. Sinuwerte nga naman ako nang maaga kong gising, Yaya!Natawa si Yaya Fely habang hawak pa rin ang sandok. Sinundan niya ng tingin kung saan nak

  • My Probinsyana Maid   Chapter 25: In Manila

    Manghang-mangha si Harmie sa ganda ng bahay ni Luther nang makarating na sila sa Manila. Kung buong biyahe ay maingay at madaldal ang dalaga ay ganoon pa rin ito pagdating nila ng Manila.Sina Luther na lang ang siyang nabibingi sa kaingayan ni Harmie. Lalo nang makasakay ito sa chopper, dahil nga first time nitong sumakay kaya takot ito. Anong higpit ng kapit niya kay Luther ng ilang minuto habang mariing nakapikit. Pero nang humupa ang takot nito at hilo ay hayun umarangkada na ang pagiging parrot ni Harmie."Ang ganda naman po ng bahay mo, Senyorito! Puro salamin, kitang-kita sa labas at loob. Hindi po ba nababasag ang mga 'yan? Saka...lapitin daw po ng kidlat ang mga salamin!" Namimilog ang mga matang sabi ni Harmie.Natawa naman si Luther sa sinabi ni Harmie kahit pa masakit na tainga nito sa kakadada ng dalaga."Hindi ka kita sa loob, akala mo lang yun! And mali ka ng paniniwala na lapitin ng kidlat ang mga glass window at doors dito." Sagot ni Luther at naglakad na sila nang tu

  • My Probinsyana Maid   Chapter 24: Magnanakaw Daw Kasi

    "Ano pong sabi niyo, Inay?" Nanlalaki ang mga mata ni Harmie nang marinig nito ang sinabi ng Inay niya.Gabi na noon at sinadya nang mag-asawa ang kanilang anak sa kwarto nito sa Maids quarter. Hindi naman sila magkakalayo ng mga kwarto katunayan nga ay isang kwarto lang ang pagitan ng kwarto ni Harmie sa kwarto ng mag-asawa."Isasama ako ni Senyorito Luther sa Manila? Aba ay bakit naman po?" Tanong pa rin ng dalaga."Anak, ayaw din sana namin ng Itay mo pero makakabuti sa'yo itong gagawin namin. Para manahimik at makalimutan na ang ugong-ugong tungkol sa inyo ni Senyorito Lander." Paliwanag ni Monica sa dalaga.Harmie pouted her lips. "Pero hindi naman po kami magkasintahan Inay. Magkaibigan lang kami," giit nito."Oo alam namin anak. Nga lang si Senyorito Lander ang may problema, kasi siya yung nagsasabi na seryoso siya sa'yo. Na liligawan ka niya, na gusto ka niyang maging kasintahan!" Sabi naman ni Zandro.Nanlaki ang mga mata ni Harmie na walang kamalay-malay sa issue nila ni Lan

  • My Probinsyana Maid   Chapter 23: GitGitan

    Ipinatawag nga ni Donya Hillary sina Monica at Zandro nang araw ding iyon. Nagtataka man ang mag-asawa ay masaya pa rin ang mga itong kinausap ang Donya."Ma'am, ano po ba ang pag-uusapan natin? Mukhang mahalaga po," tanong ni Monica nang kaharap na nila ang Donya.May kutob na ang mag-asawa tungkol sa kanilang pag-uusapan subalit ayaw naman nilang pangunahan si Donya Hillary."Ipinatawag ko kayo dito para pag-usapan natin ang issue tungkol kina Lander at Harmie. Alam kong alam niyo na ang tungkol dito," sagot ng Donya.Sabay na napayuko ang mag-asawa. Tama nga ang kutob ni Monica, bilang isang ina na nasasangkot sa isang kontrobersyal ang kanyang anak."Ma'am, puwede po naming ibalik sa kumbento ang aming anak. Para mawala na po ang usap-usapan tungkol sa kanila ni Senyorito Lander. Hindi po alam ng aming ang kanyang ginagawa batid po naming alam niyong kakaiba ang aming anak sa ibang kadalagahan." Mapagpakumbabang sabi ni Zandro kay Donya Hillary."Patawad po Ma'am kung hindi namin

  • My Probinsyana Maid   Chapter 22: Solusyon Sa Issue

    Nakaabot nga kina Don Klint at Donya Hillary ang mga ugong-ugong tungkol sa pinanggagawa ni Lander. Ang masama pa ang balita minsan ay at kung minsan naman ay sobra. Kaya naman nanatili ang mag-asawa sa Mansyon ng araw na iyon at ipinatawag nila ang kanilang mga anak sa library room. "Mom, Dad what's this about?" Tanong ni Lance habang nakatitig sa mag-asawa na parehas seryoso ang mukha.Nagkatinginan sina Don Klint at Donya Hillary saka sila muling tumingin sa tatlo nilang supling. Samantalang si Luther ay tahimik lang na nakaupo pero si Lander panay na ang buntonghininga nito. Na para bang alam na niya ang pag-uusapan nilang lahat sa library room sa umagang iyon.Hindi nga nagkamali si Lander kinalaunan ay napako ang tingin nila sa kanya. Nagtataka namang napatingin si Lance sa gawi ni Lander at napaawang ang labi ng binata."Ikaw na naman? Ano na naman ang issue mo ngayon?" Bulalas ni Lance na hindi mo alam kung nang-aasar ba ito nangagantiyaw.Sinamaan naman nang tingin ni Lander

  • My Probinsyana Maid   Chapter 21: Issue?

    Nakita ni Luther na magkasama sina Harmie at Lander na tila galing sa pamamasyal. May mga binili din si Lander na hindi niya mawari maging kay Harmie. Lihim na napabuntonhininga si Luther, matigas talaga ang ulo ni Lander. Binalaan na niya ito subalit tila mas lalo lamang nitong inaakit amang inosenteng si Harmie. "Senyorito, salamat po sa libre niyong mga pabango at sa libreng kain saka meryenda." Sabi ni Harmie nang makarating na sila sa loob ng Mansyon. Mahina namang tumawa si Lander. "Basta ikakasaya mo, lahat gagawin ko. And here, this is all yours!" Sagot ng binata sabay abot sa mga hawak niyang paper bag kay Harmie. Napanganga naman si Harmie. "Senyorito! Hindi ba sa girlfriend mo ang mga 'yan? Bakit ngayon ibinibigay mo na sa akin?" Bulalas ng dalaga. Muling tumawa si Lander. "As of now, I have no girlfriend. Hindi ako mangungumpisal sa'yo kung may girlfriend ako," anito. Unti-unting nanulis ang nguso ni Harmie na tumingin kay Lander. "Sinusuhulan mo ba ako, Senyorito?"

  • My Probinsyana Maid   Chapter 5: Check Up

    Mas maagang nagising si Harmie sa araw na iyon at may therapy session siya at check up. Dati buwan-buwan ang kanyang therapy session at check ups pero mas malala noong bagong labas siya ng hospital. Weekly ang kanyang mga check ups at therapy sessions dumating pa 'yong puntong naging buto't balat n

  • My Probinsyana Maid   Chapter 4: Harmie strikes again

    Naglakad-lakad nang hapong iyon si Luther kasama si Harmie sa malawak na bakuran ng Mansyon. Plano din ng binata na maglakad -lakad ito sa labas at sa kabukiran kapag medyo okay na talaga ang pakiramdam niya."Tubig Senyorito?" Alok ni Harmie nang makita nitong humihingal na si Luther.Naupo naman

  • My Probinsyana Maid   Chapter 3: Busy Yarn?

    Maagang nagising si Harmie may iinuming gamot si Luther sa eksaktong alas sais. Naibigay na ni Yaya Gina ang talaan sa kanyang mga pang-araw-araw na routine kay Luther. Idinikit na niya iyon sa dingding para hindi niya makallimutan at para lagi niyang nakikita. Pagkarating ni Harmie sa harap ng pin

  • My Probinsyana Maid   Chapter 2: First Met

    Nagtataka si Harmie sa kilos ng lahat sa Mansion nang makabalik sila ng Mayordomang si Pilar galing sa palengke."Aling Pilar pansin ko parang dumating na ang panganay ng mga Verdadero." Nakalabing sabi ni Harmie habang papasok sa sila sa pinto papuntang malaking kusina."Mabuti naman at nakarating

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status