Beranda / Romance / My Probinsyana Maid / Chapter 4: Harmie strikes again

Share

Chapter 4: Harmie strikes again

Penulis: MR.ROMANTICO
last update Tanggal publikasi: 2026-06-12 19:06:14

Naglakad-lakad nang hapong iyon si Luther kasama si Harmie sa malawak na bakuran ng Mansyon. Plano din ng binata na maglakad -lakad ito sa labas at sa kabukiran kapag medyo okay na talaga ang pakiramdam niya.

"Tubig Senyorito?" Alok ni Harmie nang makita nitong humihingal na si Luther.

Naupo naman si Luther sa bermuda grass at tahimik nitong inabot ang kanyang tumbler na hawak ni Harmie. Naupo naman si Harmie sa tabi ni Luther at napagmasdan nila pareho ang paglubog ng araw. Medyo mababa na kasi ang bakod ng bakuran sa may bandang dulo dahil may daanan doon papuntang bundok. Kung nasaan naroon ang kanilang mga palaisdaan at mga babuyan maging ang kanilang manukan.

"Ang ganda talaga ng paglubog ni haring araw, tapos ang ganda din ni Reynang buwan sa gabi." Sabi ni Harmie na nakangiti.

Naudlot ang paglunok ni Luther sa last na tubig sa loob ng kanyang bibig.

"Noong bata ako akala ko palipat-lipat si Reynang buwan akala ko lang pala 'yon!" Natatawa pang wika ulit ng dalaga.

"Bakit mo sinasabi sa akin 'yan?" natanong naman ni Luther.

"Hindi ko naman sinasabi sa'yo Senyorito, sarili ko naman ang kausap ko. Kung ayaw mong makinig, takpan mo na lang ang mga tainga mo!" Sagot ni Harmie nang lingunin niya ang binata.

"At ako pa talaga ang maga-adjust?" maang na tanong ni Luther.

"Alangan naman ako Senyorito? Hayan si haring araw o, pinagmamasdan ko siya. At hindi mo siya pinapansin kaya puwede mo ring gawing hindi narinig ang mga sinasabi ko hayyts!" Napapalatak na tugon ni Harmie.

Napakurap-kurap naman si Luther naisip niya may punto naman ang dalaga.

"Doon ka ba sa Manila lumaki Senyorito?" biglang tanong ni Harmie.

"Why?"

Tiningnan naman ni Harmie si Luther mula ulo hanggang paa.

"Ngayon lang kasi kita nakita dito, noong dinala ako nina Inay dito ang agad kong nakita ay 'yong dalawang playboy mong kapatid." Aniya.

Napatikhim naman si Luther.

"Pero kakaiba ka Senyorito," sabi pa ni Harmie.

"Paano mo naman nasabi?" tanong ng binata.

Nailagay naman ni Harmie ang hintuturo niya sa kanyang labi habang nakatingin kay Luther.

"Iyong dalawa...sutil at mahangin habang ikaw...mailap na tahimik at may pagka-sungit." Anito.

Napataas ang isang kilay ni Luther.

"Ganoon?"

Tumango naman si Harmie na binawi na nito ang tingin kay Luther.

"Kung ganoon, tanggal ka na bilang personal maid ko." Walang habas na sabi ng binata.

Napahagikhik naman si Harmie.

"Anong nakakatawa? Tanggal na nga nagagawa mo pang tumawa?" May inis sa boses ni Luther.

"Istrikto ka din pala Senyorito! Pero okay lang na tanggalin mo ako basta katulong pa din ako dito sa Mansyon." Sagot ng dalaga.

Napabuga naman nang hangin si Luther hindi niya inaasahang masayahin talagang dalaga si Harmie. Naisip ni Luther na magandang kasama ang dalaga kapag may pinagdadaanan ka sa buhay. Tiyak pansamantalang mawawala ang iyong pagka-lumbay ng dahil sa mga problema.

"Papaano kung ipapatanggal din kita bilang katulong dito sa Mansyon?" Giit naman ni Luther kay Harmie sinusubukan niya ang dalaga.

Napalabi naman ang binata at muli nitong pinagmamasdan ang papalubog na araw.

"Okay lang din Senyorito. Puwede naman akong magtrabaho sa mga charity works ng inyong pamilya!" Anito.

Napaawang naman ang labi ni Luther mataman nitong pinagmamasdan si Harmie. Hindi siya makapaniwalang isa itong special lady kagaya ng sabi ng lahat. Dahil para sa kanya ay normal lang naman ang dalaga sa katunayan nga ay matalino ito ayon sa kanyang observation.

"Harmie bakit ka nagkasakit?" Wsla sa sarili ni Luther na naitanong.

Natanong na niya kay Yaya Digna subalit wala naman itong sinabi bukod sa mahabang kwento daw. Napaisip naman si Harmie at muli nitong tiningnan si Luther na naghihintay ng kasagutan sa tanong nito.

"Sabi ni Inay nagkasakit ako nang malubha kaya marami ang naaapektuhan sa aking katawan. Ayaw naman niyang sabihin lahat at maiiyak lang daw siya. Basta ang sabi niya malubha daw kaya hanggang ngayon nagte-therapy pa ako at may iniinom ding gamot Senyorito." Paliwanag ng dalaga.

Lihim namang napabuntong-hininga si Luther malabo pa din ang kasagutan sa kanyang tanong kaya pinili nitong manahimik na lang.

"Balik na tayo ng Mansyon," yaya na lamang ni Luther kay Harmie nang tumayo na ito.

"Senyorito nasa Mansyon ka pa din naman ah hindi ka kaya umalis." Natatawang sagot ni Harmie pero tumayo na din ito.

Napakurap-kurap naman si Luther at totoo na naman ang sinabi ni Harmie. Pero kung malaki ang common sense mo makukuha mo ang ibig sabihin ng binata.

"I mean sa loob!" Bawi ni Luther at naglakad na ito.

Hindi naman na umimik pa si Harmie at tahimik na itong sumunod kay Luther bitbit ang tumbler ng binata. Hinayaan na lamang ni Harmie na mag- jogging si Luther pabalik sa main door ng Mansyon. Pakanta-kanta na lamang ito habang naglalakad lang na nakasunod sa kanyang Senyorito.

"Anong gusto mong lulutuin ko na ulam mo ngayong dinner Senyorito?" Pahabol na tanong ni Harmie kay Luther nang makita nitong paakyat na sa may hagdan ang binata.

Huminto naman si Luther at nilingon niya ang dalaga.

"May listahan naman akong binigay sa'yo iyon na lang ang sundin mo. Ayokong masira ang diet ko," sagot ng binata.

"Ganoon po ba? Sige po malinawanag, Senyorito." Tugon ni Harmie at siya naman itong nagtungo sa malaking kusina.

Ipinagpatuloy naman ni Luther ang pagpanhik sana nito sa taas papunta sa kanyang kwarto. Pagkatapos uminom si Harmie ng tubig ay tinungo din nito ang kanyang kwarto sa may Maid's quarter. Titingnan nito ang kanyang lulutin para sa dinner ng kanyang Senyorito.

"Manok lang pala na deep fry tapos salad na may kasamang pomegranate." Bulong ni Harmie sa kanyang sarili.

Muli nitong sinipat ang menu ng dinner ni Luther at ikinabesa niya ang procedure no'n.

"Kaya ko ito, kaya natin ito self ikaw pa ba?!" Pagchi- cheer up ni Harmie sa kanyang sarili at muli na itong lumabas mula sa kanyang silid.

"Anong uulamin ng Senyorito mo Harmie?" Tanong ni Mona sa anak nang maratnan niya ang dalaga sa may kusina.

"Deep fried lang po na tatlong chicken cuts tapos nasukat na kanin, salad po at dessert na grapes Inay." Masayang sagot ng dalaga.

"Ganoon ba? Aba ay sarapan mo ang iyong luto!" Natutuwa namang wika ni Mona

"Aba, siyempre naman po Inay no worries po!" Masiglang turan ni Harmie.

"Ang gamot mo din anak huwag mong kalimutang inumin. Siyanga pala may check up ka bukas tatandaan mo 'yan!" Saad ni Mona habang kumukuha ito ng bawang at sibuyas sa basket.

"Opo Inay salamat," sagot ng dalaga at sinimulan na nitong ihanda ang mga lulutuin nito.

"Mabuti naman kung ganoon. O, siya anak parating na si Digna siya ang magluluto ng dinner ngayon." Wika ni Mona.

"Ano naman po kung parating na siya?" Tanong naman ng dalaga na nagtataka ang mukha nito.

"Kaya bilisan mo diyan para hindi ka makagulo sa gagawin niya." Utos naman na ni Mona sa anak nito.

"Hindi naman ako panggulo Inay alam ko naman pong magluto." Medyo malungkot na tugon nito.

"Oo na ikaw na anak!" Sabi na lamang ni Mona para hindi na pa magtanong nang magtanong si Harmie.

Napahagikhik naman ang dalaga at sinimulan na nitong lutuin ang manok na siyang uulamin ni Luther sa gabing iyon.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Probinsyana Maid   Chapter 26: Makasamang Mata

    "Ang yummy naman ng pandesal nila," mahinang bulong ni Harmie sa sarili habang halos maduling siya sa pagtitig sa dalawang binatang nasa may quadrangle ng Mansyon.. Diyos ko, akala ko sa Korean at Chinese drama lang ko sila makikita!Parang gustong pasalamatan ni Harmie ang nag-imbento ng umaga. Parang hindi na siya sa Manila kundi nasa gitna na ng kalangitan."O, hija! Maaga ka ah?"Napakurap si Harmie nang mabilis nang marinig ang boses ni Yaya Fely mula sa likod niya. Muntik na niyang maibuga ang kape sa sobrang gulat. Agad niyang pinunasan ang labi niya gamit ang likod ng kamay habang pilit na ngumingiti nang parang walang nangyari."Ay, Yaya! Magandang umaga po. Opo, medyo naninibago pa po kasi ang katawan ko sa oras dito kaya maaga akong nagising," sabi niya habang pasimpleng sumulyap ulit dun sa dalawang lalaking nag-iinat sa damuhan. Sinuwerte nga naman ako nang maaga kong gising, Yaya!Natawa si Yaya Fely habang hawak pa rin ang sandok. Sinundan niya ng tingin kung saan nak

  • My Probinsyana Maid   Chapter 25: In Manila

    Manghang-mangha si Harmie sa ganda ng bahay ni Luther nang makarating na sila sa Manila. Kung buong biyahe ay maingay at madaldal ang dalaga ay ganoon pa rin ito pagdating nila ng Manila.Sina Luther na lang ang siyang nabibingi sa kaingayan ni Harmie. Lalo nang makasakay ito sa chopper, dahil nga first time nitong sumakay kaya takot ito. Anong higpit ng kapit niya kay Luther ng ilang minuto habang mariing nakapikit. Pero nang humupa ang takot nito at hilo ay hayun umarangkada na ang pagiging parrot ni Harmie."Ang ganda naman po ng bahay mo, Senyorito! Puro salamin, kitang-kita sa labas at loob. Hindi po ba nababasag ang mga 'yan? Saka...lapitin daw po ng kidlat ang mga salamin!" Namimilog ang mga matang sabi ni Harmie.Natawa naman si Luther sa sinabi ni Harmie kahit pa masakit na tainga nito sa kakadada ng dalaga."Hindi ka kita sa loob, akala mo lang yun! And mali ka ng paniniwala na lapitin ng kidlat ang mga glass window at doors dito." Sagot ni Luther at naglakad na sila nang tu

  • My Probinsyana Maid   Chapter 24: Magnanakaw Daw Kasi

    "Ano pong sabi niyo, Inay?" Nanlalaki ang mga mata ni Harmie nang marinig nito ang sinabi ng Inay niya.Gabi na noon at sinadya nang mag-asawa ang kanilang anak sa kwarto nito sa Maids quarter. Hindi naman sila magkakalayo ng mga kwarto katunayan nga ay isang kwarto lang ang pagitan ng kwarto ni Harmie sa kwarto ng mag-asawa."Isasama ako ni Senyorito Luther sa Manila? Aba ay bakit naman po?" Tanong pa rin ng dalaga."Anak, ayaw din sana namin ng Itay mo pero makakabuti sa'yo itong gagawin namin. Para manahimik at makalimutan na ang ugong-ugong tungkol sa inyo ni Senyorito Lander." Paliwanag ni Monica sa dalaga.Harmie pouted her lips. "Pero hindi naman po kami magkasintahan Inay. Magkaibigan lang kami," giit nito."Oo alam namin anak. Nga lang si Senyorito Lander ang may problema, kasi siya yung nagsasabi na seryoso siya sa'yo. Na liligawan ka niya, na gusto ka niyang maging kasintahan!" Sabi naman ni Zandro.Nanlaki ang mga mata ni Harmie na walang kamalay-malay sa issue nila ni Lan

  • My Probinsyana Maid   Chapter 23: GitGitan

    Ipinatawag nga ni Donya Hillary sina Monica at Zandro nang araw ding iyon. Nagtataka man ang mag-asawa ay masaya pa rin ang mga itong kinausap ang Donya."Ma'am, ano po ba ang pag-uusapan natin? Mukhang mahalaga po," tanong ni Monica nang kaharap na nila ang Donya.May kutob na ang mag-asawa tungkol sa kanilang pag-uusapan subalit ayaw naman nilang pangunahan si Donya Hillary."Ipinatawag ko kayo dito para pag-usapan natin ang issue tungkol kina Lander at Harmie. Alam kong alam niyo na ang tungkol dito," sagot ng Donya.Sabay na napayuko ang mag-asawa. Tama nga ang kutob ni Monica, bilang isang ina na nasasangkot sa isang kontrobersyal ang kanyang anak."Ma'am, puwede po naming ibalik sa kumbento ang aming anak. Para mawala na po ang usap-usapan tungkol sa kanila ni Senyorito Lander. Hindi po alam ng aming ang kanyang ginagawa batid po naming alam niyong kakaiba ang aming anak sa ibang kadalagahan." Mapagpakumbabang sabi ni Zandro kay Donya Hillary."Patawad po Ma'am kung hindi namin

  • My Probinsyana Maid   Chapter 22: Solusyon Sa Issue

    Nakaabot nga kina Don Klint at Donya Hillary ang mga ugong-ugong tungkol sa pinanggagawa ni Lander. Ang masama pa ang balita minsan ay at kung minsan naman ay sobra. Kaya naman nanatili ang mag-asawa sa Mansyon ng araw na iyon at ipinatawag nila ang kanilang mga anak sa library room. "Mom, Dad what's this about?" Tanong ni Lance habang nakatitig sa mag-asawa na parehas seryoso ang mukha.Nagkatinginan sina Don Klint at Donya Hillary saka sila muling tumingin sa tatlo nilang supling. Samantalang si Luther ay tahimik lang na nakaupo pero si Lander panay na ang buntonghininga nito. Na para bang alam na niya ang pag-uusapan nilang lahat sa library room sa umagang iyon.Hindi nga nagkamali si Lander kinalaunan ay napako ang tingin nila sa kanya. Nagtataka namang napatingin si Lance sa gawi ni Lander at napaawang ang labi ng binata."Ikaw na naman? Ano na naman ang issue mo ngayon?" Bulalas ni Lance na hindi mo alam kung nang-aasar ba ito nangagantiyaw.Sinamaan naman nang tingin ni Lander

  • My Probinsyana Maid   Chapter 21: Issue?

    Nakita ni Luther na magkasama sina Harmie at Lander na tila galing sa pamamasyal. May mga binili din si Lander na hindi niya mawari maging kay Harmie. Lihim na napabuntonhininga si Luther, matigas talaga ang ulo ni Lander. Binalaan na niya ito subalit tila mas lalo lamang nitong inaakit amang inosenteng si Harmie. "Senyorito, salamat po sa libre niyong mga pabango at sa libreng kain saka meryenda." Sabi ni Harmie nang makarating na sila sa loob ng Mansyon. Mahina namang tumawa si Lander. "Basta ikakasaya mo, lahat gagawin ko. And here, this is all yours!" Sagot ng binata sabay abot sa mga hawak niyang paper bag kay Harmie. Napanganga naman si Harmie. "Senyorito! Hindi ba sa girlfriend mo ang mga 'yan? Bakit ngayon ibinibigay mo na sa akin?" Bulalas ng dalaga. Muling tumawa si Lander. "As of now, I have no girlfriend. Hindi ako mangungumpisal sa'yo kung may girlfriend ako," anito. Unti-unting nanulis ang nguso ni Harmie na tumingin kay Lander. "Sinusuhulan mo ba ako, Senyorito?"

  • My Probinsyana Maid   Chapter 5: Check Up

    Mas maagang nagising si Harmie sa araw na iyon at may therapy session siya at check up. Dati buwan-buwan ang kanyang therapy session at check ups pero mas malala noong bagong labas siya ng hospital. Weekly ang kanyang mga check ups at therapy sessions dumating pa 'yong puntong naging buto't balat n

  • My Probinsyana Maid   Chapter 3: Busy Yarn?

    Maagang nagising si Harmie may iinuming gamot si Luther sa eksaktong alas sais. Naibigay na ni Yaya Gina ang talaan sa kanyang mga pang-araw-araw na routine kay Luther. Idinikit na niya iyon sa dingding para hindi niya makallimutan at para lagi niyang nakikita. Pagkarating ni Harmie sa harap ng pin

  • My Probinsyana Maid   Chapter 2: First Met

    Nagtataka si Harmie sa kilos ng lahat sa Mansion nang makabalik sila ng Mayordomang si Pilar galing sa palengke."Aling Pilar pansin ko parang dumating na ang panganay ng mga Verdadero." Nakalabing sabi ni Harmie habang papasok sa sila sa pinto papuntang malaking kusina."Mabuti naman at nakarating

  • My Probinsyana Maid   Chapter 1: Harmie's Charm

    Abala ang mga tao sa Mansyon dahil parating ang panganay na anak nina Don Klint at Donya Hillary na si Luther. Doon kasi ito magpagaling mula sa pagkaka-aksidente nito. Iyon din ang advice ng Doktor para sa agaran nitong paggaling."Harmie, halika!" Tawag ni Mona sa anak nito.Doon na lumaki sa Man

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status