Nanatiling tahimik si Allan.Hindi siya sanay na may nagsasabi sa kaniya kung ano ang dapat gawin. Sa negosyo, sapat na ang isang utos niya upang kumilos ang mga tao. Ngunit pagdating kay Scarlett, sa pamilya, at sa sarili niyang pagkatao, hindi niya kayang bilhin o kontrolin ang mga sagot.At iyon ang higit na nagpapagalit sa kaniya. Sa kabilang bahagi ng lungsod, magkatapat na nakaupo sina Ratna, Kap John, at Sebastian.Nasa mesa ang mga lumang dokumentong dinala ni Sebastian. Maingat na sinuri ni Kap Johnn ang bawat papel, ngunit hindi siya nagmamadaling maniwala sa lahat ng nakasulat doon.“Kung tunay na anak mo si Allan, kailangan nating tiyakin na tama ang mga dokumentong ito,” sabi niya.Tumango si Sebastian.“Alam ko. Kaya nga hindi ko hinihiling na paniwalaan ninyo agad ako. Gusto kong matukoy kung sino ang naghiwalay sa amin ni Ratna at kung bakit may mga impormasyong sadyang itinago.”Nanginginig ang mga daliri ni Ratna habang hawak ang lumang larawan. Bata pa siya roon, n
Read more