Share

Chapter 44

last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-07 12:01:40

Hindi maintindihan ni Joshua kung bakit hindi niya matanggihan si Scarlett.

Kahit anong pilit niyang umiwas, tila palaging may kapangyarihan ang babae na nagpapahina sa kanyang depensa.

Mabilis siyang sumulyap kay Marisol. Abala pa rin ito sa pakikipag-usap sa telepono. Samantala, sa kabilang linya...

Walang kaalam-alam si Marisol kung ano talaga ang ginagawa ng kapatid niya.

Sa isang mamahaling hotel, kasalukuyang kasama ni Rafael si Pinky. At imbes na nasa bahay kasama ang asawa niyang nahima
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • My Husband's Forbidden Deal: A Babymaker To Someone's Wife   Chapter 45

    "Hala ka, nag-sorry na nga ako, 'di ba?" reklamo ni Joshua habang nagkakamot ng ulo. "Saka sabi nila, hindi dapat madaling magalit ang babae. Nakakatanda raw ng mukha. Kahit gaano kamahal ang skincare mo, kahit umaga't gabi kang magpahid, kung mainitin pa rin ang ulo mo, wala ring epekto!"Agad na napalingon si Marisol. Nakapamewang. Naniningkit ang mga mata."Joshua!"Napayuko agad ang lalaki."Opo, Ma'am Marisol. Handa na po akong mapagalitan."Napasapo si Marisol sa noo."Alam mo, minsan tama ka magsalita, pero nakakainis ka pa rin!"Napatawa si Scarlett.Sa totoo lang, hindi niya alam kung paano nagagawang patawanin ni Joshua ang mga tao kahit simpleng salita lang.May kakaiba talaga sa lalaking iyon."Hayaan mo na," sabi ni Scarlett habang nakahawak pa rin sa noo. "Hindi naman siya magbabago.""Sana nga magbago kahit konti!" reklamo ni Marisol.Pagkatapos ay muli siyang lumapit kay Scarlett."Kamusta na pakiramdam mo?""Masakit pa ba ulo mo?"Kunwari'y napangiwi si Scarlett."Med

  • My Husband's Forbidden Deal: A Babymaker To Someone's Wife   Chapter 44

    Hindi maintindihan ni Joshua kung bakit hindi niya matanggihan si Scarlett.Kahit anong pilit niyang umiwas, tila palaging may kapangyarihan ang babae na nagpapahina sa kanyang depensa.Mabilis siyang sumulyap kay Marisol. Abala pa rin ito sa pakikipag-usap sa telepono. Samantala, sa kabilang linya...Walang kaalam-alam si Marisol kung ano talaga ang ginagawa ng kapatid niya.Sa isang mamahaling hotel, kasalukuyang kasama ni Rafael si Pinky. At imbes na nasa bahay kasama ang asawa niyang nahimatay...Nasa piling siya ng ibang babae. Biglang tumunog ang cellphone ni Rafael. Napairap siya."Bwisit naman!""Sinong tumatawag sa ganitong oras?"Nang makita ang pangalan ni Marisol, agad siyang napakunot-noo."Ano naman kaya ang kailangan ng batang 'to?"Pinindot niya ang answer button."Hello, Marisol?""Kuya! Nasaan ka na?"Nagulat si Rafael sa seryosong tono nito."Bakit?""Nahimatay si Ate Scarlett!"Parang may kung anong kumirot sa dibdib niya. Ngunit hindi sapat para mapaalis siya roon

  • My Husband's Forbidden Deal: A Babymaker To Someone's Wife   Chapter 43

    Nag-aalala rin si Marisol nang makitang sunod-sunod ang pag-ubo ni Scarlett."Naku, Ate Scarlett! Ayos ka lang ba?" tanong niya habang marahang minamasahe ang batok nito.Matapos humupa ang pag-ubo, ngumiti si Scarlett at umiling."Ayos lang ako."Pero lihim niyang sinulyapan si Joshua.Nakatayo ito sa gilid, naka-face mask pa rin at amoy na amoy ang matapang na white flower.Napabuntong-hininga si Marisol."Mabuti naman kung gano'n.""Muntik na kaming atakihin sa puso!"Tumango si Joshua."Tama po. Akala ko talaga may nangyari na kay Ma'am Scarlett."Napailing si Scarlett. Hindi niya alam kung kikiligin ba siya o matatawa. Masyadong halata ang pag-aalala ni Joshua."Ikaw nga ang dapat magpahinga," sabi niya."Mukhang ikaw ang mas may sakit.""Oo nga, Josh," dagdag ni Marisol."Kanina ka pa maputla.""Magpahinga ka muna."Ngumiti lamang si Joshua."Hindi po. Simpleng pagod lang ito.""Konting pahinga mamaya, okay na ulit ako."Ngunit habang nag-uusap sila, may napansin si Marisol.Nak

  • My Husband's Forbidden Deal: A Babymaker To Someone's Wife   Chapter 42

    Hindi pa rin tapos ang pagtatalo nina Scarlett at Marisol. Kanina pa sila nagpapalitan ng opinyon habang si Mang Berto ay nakatayo lamang sa gilid, litong-lito at hindi alam kung tatawa ba o mamamagitan.Sa buong buhay niya bilang hardinero ng pamilya, ngayon lang siya nakakita ng dalawang magagandang babae na halos magsabunutan dahil sa isang kasambahay."Hesusmaryosep..." bulong niya habang kinakamot ang ulo."Anong gayuma ba ang meron si Joshua at pinag-aagawan siya ng mga amo?"Napailing na lang siya.Samantalang sa sala, patuloy ang mainit na diskusyon."Ang selfish mo naman, Ate Scarlett!" reklamo ni Marisol habang nakapamewang."Kailangan din ni Joshua ng asawa. Biyudo siya at hindi puwedeng habang-buhay siyang mag-isa!"Tumaas ang kilay ni Scarlett."Sino bang nagsabing mag-isa siya?""Ano?""Este... ang ibig kong sabihin, marami siyang ginagawa sa buhay para isipin pa ang pag-aasawa!"Hindi kumbinsido si Marisol."Ate, seryoso ka ba?""Oo.""Eh paano kung makatagpo siya ng ba

  • My Husband's Forbidden Deal: A Babymaker To Someone's Wife   Chapter 41

    Litong-lito na si Mang Berto. Kanina pa nagtatalo sina Scarlett at Marisol tungkol kay Joshua. Parang wala nang ibang lalaki sa mundo kundi ang pobreng kasambahay.Samantalang ang pinag-aawayan nila? Nakahiga sa kama at halos hindi makatayo dahil sa matinding pagkahilo. Ang dating matikas at malakas na si Joshua ay parang lantang halaman ngayon."Hays..." napabuntong-hininga siya habang nakahiga."Ano ba'ng nangyayari sa katawan ko?"Pakiramdam niya ay ayaw makisama ng kanyang ulo at tiyan. Konting amoy lang ng pagkain...Nahihilo siya at nasusuka. At minsan pa nga ay sumusuka na talaga."Teka lang..."Napakunot ang noo niya."Ang bango ng balse."Napasinghot siya."Seryoso. Ito lang yata ang amoy na kaya kong tiisin."Napailing siya."Pero amoy pagkain?""Susmaryosep.""Parang lason."Napabuntong-hininga siya. Kahit masama ang pakiramdam, hindi pa rin siya mapakali. May mga trabaho pa siyang kailangang tapusin. At isa na roon ang paghuhugas ng mga plato sa kusina."Kung hindi ko gag

  • My Husband's Forbidden Deal: A Babymaker To Someone's Wife   Chapter 40

    Pagkapasok ni Joshua sa kanyang silid, agad siyang napaupo sa gilid ng kama. Pakiramdam niya ay sabay-sabay na nagrereklamo ang kanyang ulo at tiyan.Nahihilo.Nasusuka.At parang anumang oras ay matutumba siya."Ano ba'ng nangyayari sa akin?" reklamo niya habang hinihilot ang sintido.Mabilis niyang hinanap ang paborito niyang langis para sa hilo. Ngunit nang buksan niya ang maliit na kabinet sa tabi ng kama, agad siyang napamura."Bwisit! Ubos na naman!"Napakamot siya sa ulo. Pakiramdam niya, ang amoy lang ng langis ang tangling makakapagpagaan ng nararamdaman niya. Maya-maya ay may naalala siya. Mayroon pa pala siyang muscle balm na ginagamit kapag sumasakit ang katawan niya matapos magtrabaho buong araw.Mabilis niya itong kinuha at binuksan. Ipinahid niya ito sa kanyang sentido at tiyan. Kaagad niyang nalanghap ang matapang na amoy nito.Napapikit siya. At kahit paano ay gumaan nang kaunti ang pakiramdam niya."Hays..."Napailing siya."Tama talaga si Romy.""Mali yata ang nagin

  • My Husband's Forbidden Deal: A Babymaker To Someone's Wife   Chapter 6

    Hindi namalayan ni Scarlett na nakasandal na pala siya sa dibdib ni Joshua. Mukhang komportable siya, na para bang nakalimutan niyang kasama niya lamang ang isang kasambahay.Dahan-dahang hinaplos ni Joshua ang braso ng babae upang pakalmahin ito. Alam niyang pareho sila ng sitwasyon—napipilitang g

  • My Husband's Forbidden Deal: A Babymaker To Someone's Wife   Chapter 5

    Dahan-dahang iminulat ni Scarlett ang kanyang mga mata.Pakiramdam niya ay bahagyang gumaan ang ulo niya matapos ang ilang minutong masahe. Ngunit nang mapansin niyang nakapatong pa rin ang mga kamay ni Joshua sa kanyang balikat, agad siyang napatuwid ng upo at marahang inalis ang mga iyon.Bahagya

  • My Husband's Forbidden Deal: A Babymaker To Someone's Wife   Chapter 4

    Nang tuluyang magsara ang pinto, huling beses na nasilayan ni Scarlett ang mukha ng kanyang asawa bago siya maiwang mag-isa kasama si Joshua.Huminga siya nang malalim.Sa kaibuturan ng kanyang puso, ayaw niyang mapunta sa ganitong sitwasyon. Ngunit dahil sa labis niyang pagmamahal kay Rafael, naga

  • My Husband's Forbidden Deal: A Babymaker To Someone's Wife   Chapter 3

    Mabilis na naglakad si Joshua palapit kina Rafael at Scarlett.Sa bawat hakbang niya, may mga taong napapalingon. Hindi niya iyon napapansin, pero para sa iba, mahirap paniwalaan na ang lalaking iyon ay isang simpleng kasambahay lang.Ngayong gabi, ibang-iba ang itsura niya. Maayos na ang buhok niy

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status