Samantala...Habang nasa biyahe si Stacey at Xinxin, nagtanong and kanyang anak,“Mommy, ilang araw ko nang hindi nakikita si Uncle. Puwede mo ba siyang imbitahan sa bahay natin para makipaglaro?”Tumingin si Stacey sa rearview mirror. Bahagyang lumambot ang kanyang mukha.“Si Uncle Luke ay nasa business trip. Kapag nakabalik na siya, iimbitahan natin siya sa bahay, okay?”Masunuring tumango si Xin Xin. Muling sumagi sa isip ng bata ang mukha ni Franco.Wala si Luke sa bansa, kaya naisip niyang magandang ideya na imbitahan ang isa pang uncle sa kanilang bahay.“Mommy, paano kung mag-imbita tayo ng isa pang uncle?”Bahagyang kumibot ang noo ni Stacey.“Hmm?”“Yung uncle na nakilala ko dati sa airport. Ang guwapo niya, tapos ang bango-bango niya. Para siyang taong napapanaginipan ko…”Sa hindi malamang dahilan, nang marinig ni Stacey ang malambing na tinig ni Xin Xin at makita ang mga mata nitong kumikinang sa saya, parang naramdaman niyang naroon si Franco.“Puwede mo ba siyang imbita
Read more