“Bakit ba hinahanap mo pa ang taong ‘yon?” tanong ni Christian, nakataas ang kilay. “Aren’t you supposed to be glad I’m the one who came instead?”“Of course, I am!” agad na sagot ni Orlinda. “Nagpapasalamat nga ako na ikaw ang dumating. Kaya lang…” putol niya, pahina ng pahina ang boses.“Kaya lang, ano?” ani Christian, seryoso ang mukha.Yumuko ang ulo ni Orlinda, tumikhim bago ibinuka ang bibig. “Natatakot lang ako na baka magsumbong ang lalaking nahanap ni Angelo para buntisin ako,” mahina niyang usal.Lumingon si Orlinda sa bintana, kaysa pagmasdan ang tanawin ng siyudad, nakatitig siya sa kawalan.“Pa’no kung magsumbong ang lalaking ‘yon kay Angelo? Siguro akong tatanungin ako n’on kung paano at kanino ang batang dala-dala ko,” muli niyang saad.Tinitigan ni Christian si Orlinda. Bakas sa mata ng babae ang pag-aalala at pangamba. Ilang segundo niya pa itong tinitigan bago bumangon sa kama. Umikot at naupo sa tabi ni Orlinda. Pinagmasdan ang siyudad sa likod ng salamin ng bintana
Baca selengkapnya