‘’Humanap ka ng ibang lalaking bubuntis sa ‘yo, Linda.’’Ang mga salitang sinabi ng mister niya ay parang isang malaking maso na pumukpok ng malakas direkta sa puso ni Orlinda nang umaga na ‘yon.Si Orlinda, na isang hamak na virgin, ay nasaktan at nagtaka sa sinabi ng asawa.‘’Se-seryoso ka ba sa mga si-sinasabi mong ‘yan, Angelo?’’ mahinang saad ni Orlinda, nauutal ang boses at hindi makapaniwala sa narinig. ‘’Sa-sabihin mo sa ‘kin, hi-hindi ka nagbibiro, ‘di ba? Ba-bakit kailangan kong ma-magpabuntis sa ibang lalaki?’’Bumuntong-hininga ng malalim si Angelo. ‘’Hindi mo ba naiintindihan kung bakit?! Patuloy akong kinukulit ni Mommy na magkaanak para magkaroon na ng isang tagapagmana ang pamilyang ito! Sawang-sawa na ‘ko sa pangungulit niya dahil sa paulit-ulit na tanong niya kung kailan ka ba magdadalang-tao!’’Napalunok ng laway si Orlinda. ‘’Kung ganoon… bakit hindi na lang natin subukan ngayon? Bakit kailangan mo pa ako ipagtulakan sa ibang lalaki para mabuntis? Bakit hindi na la
Dernière mise à jour : 2026-06-14 Read More