Umikot ang mata ni Christian sa sandaling buksan ang pinto.Ang misis niyang si Sheila ay relax na nakahiga sa malambot at mahabang sofa, may hawak na cellphone at mukhang aliw na aliw.Nang isara ang pintuan, bumangon si Sheila at naupo. Binitawan nito ang hawak na cellphone, inilapag sa kahoy na coffee table bago umusog para bigyang espasyo ang asawang si Christian para makaupo.Lumapit si Christian.‘’Kamusta na si Linda? Nagkamalay na ba siya?’’ usisa ni Sheila.Hindi umupo si Christian. Bagkus, nanatili siyang nakatayo habang isa-isang tinatanggal ang suot na necktie, relo at cufflinks.‘’Hindi pa,’’ sagot nito.‘’Gan’on ba…’’ ani Sheila, kagat-kagat ang labi. Nagsalita muli. ‘’Christ… May gusto sana akong itanong.’’‘’At ano naman ‘yon?’’ tanong ni Christian, walang ekspresyon ang mukha.Tumikhim muna si Sheila bago nagsalita. ‘’Hindi ba’t parang OA ang naging reaksyon mo kanina?’’‘’Saang parte naman ako naging OA, Sheila?’’ balik-tanong ni Christian, wala pa rin ekspresyon ang
Mehr lesen