"S-Sir, maaari ko bang hulugan na lang ang mga utang ko sa inyo? Kung gusto n'yo, ibawas na lang ninyo sa sweldo ko," pakli ni Kiarah na ikinakunot-noo naman ng lalaki. Hala! Nagalit kaya si Sir? Baka ayaw niya ng pinangungunahan? Ano ka ba naman, Kiarah! Ikaw na nga'ng may utang na loob, ikaw pa'ng may gana na magbigay ng kundisyon, lihim niyang sermon sa sarili. "Sino naman ang may sabi sa'yo na sinisingil kita, Kiarah?" tanong ng lalaki na ikinamaang niya. "S-Sir?" Umiling-iling ito sa kaniya. "'Di kita sinisingil, okay? I just want to help you. 'Tsaka huwag kang mag-alala, tutuparin ko ang pangako kong tutulungan ko rin ang pamilya mo. Ibigay mo sa'kin ang address n'yo sa probinsya at nang maasikaso ko na habang hindi pa ako busy sa work." Sa mga narinig ay hindi mapigilang magalak ni Kiarah, dahil totoong napakabait ng amo sa kaniya. Ngunit sa isang banda, ipinagtataka rin niya kung bakit ganoon kabait ang lalaki sa kaniya. Hindi naman siguro mamasamain ni Sir Ren kung t
최신 업데이트 : 2026-06-18 더 보기