Share

CHAPTER 17

Author: GennWrites
last update publish date: 2026-06-18 19:02:09

"I want you to date my business partner's daughter. Sinabi ng kanyang anak na dalaga na gusto ka nitong makasama sa isang dinner. Do it for our company, Ren. Her father is one of the major stockholders of our company."

Hindi inaasahan ni Ren na iyon ang maririnig niya sa kanyang Dad.

Unang beses lang nitong mag-request sa kaniya at hindi niya akalaing sa ganoong bagay pa.

Base rin sa timbre ng boses nito, hindi iyon pakiusap kundi utos.

Tahimik niyang pinagmasdan ang ama na noon ay nakaupo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 18

    "ANAK?! Kiarah!" malakas na bulalas ng kanyang Nanay Rebecca nang ibaba si Kiarah sa harapan ng kanilang bahay. Kasalukuyang nagbibilad ang ina niya ng mga pinatuyong isda sa isang malaking bilao. "Nanay!" Mabilis na tumakbo si Kiarah patungo sa ina saka ito niyakap. Naramdaman din niya ang pag-iinit ng kaniyang mga mata dahil sa labis na saya. "Akala ko, anak, ay may nangyari nang masama sa iyo. Mahigit isang buwan kang walang paramdam. Labis kaming nag-alala ng mga kapatid mo!" Gumaralgal na ang tinig ng kanyang ina habang mahigpit ring nakayakap sa kaniya. "Sorry, 'Nay! Naging abala lang po ako sa trabaho kaya ngayon lang ako nakauwi," umiiyak na ring tugon ni Kiarah. Naisip na niya na huwag nang sabihin sa Nanay niya ang kanyang dinanas sa Metro City dahil ayaw niyang pagalitan siya nito. Isa pa, tutal ay tapos na iyon. Nakita niyang nagpahid ng luha ang Nanay niya gamit ang laylayan ng suot nitong kupasing sarong. "Ayos lamang iyon, anak. Ang mahalaga ay nandito ka na

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 17

    "I want you to date my business partner's daughter. Sinabi ng kanyang anak na dalaga na gusto ka nitong makasama sa isang dinner. Do it for our company, Ren. Her father is one of the major stockholders of our company." Hindi inaasahan ni Ren na iyon ang maririnig niya sa kanyang Dad. Unang beses lang nitong mag-request sa kaniya at hindi niya akalaing sa ganoong bagay pa. Base rin sa timbre ng boses nito, hindi iyon pakiusap kundi utos. Tahimik niyang pinagmasdan ang ama na noon ay nakaupo sa likod ng malaking mahogany desk sa gitna ng library. Palibhasa'y malawak ang silid, napapalibutan iyon ng matataas na bookshelf na puno ng mga libro, legal documents, at business journals. Mula pagkabata ay pamilyar na si Ren sa lugar na iyon. Sa katunayan, mas marami pa siyang alaala sa library kaysa sa mismong pakikipag-usap sa kanyang ama. Kapag hinahanap niya noon ang Daddy niya, kadalasan ay naroon ito. Kaya naman kahit ngayong matanda na siya, tila may kakaibang distansya pa rin sa

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 16

    "Musuko, yokatta! Kaette kite kurete! Hontō ni aitakatta wa. (Anak, mabuti naman at nakauwi ka na! Na-miss talaga kita.)" bulalas ng kanyang Mommy nang makita siya. Napangiti naman si Ren nang marinig iyon. Sinalubong niya ang yakap ng ina at saka yumapos rin nang mahigpit. "Mama, boku mo hontō ni koishikatta yo! (Mama, I really missed you too!)" nakangiting sabi niya sabay-abot ng isang bouquet ng white roses. "Here, flowers for my lovely mother." Hindi naman maipinta ang saya na rumihistro sa mukha ng kanyang Mommy nang tanggapin nito ang bulaklak. "Thank you very much, anak." Matamis pang ngumiti ang ginang pagkasabi niyon. She really loves flowers, especially roses. "Tamang-tama, katatapos ko lang lutuin ang favorite mong beef caldereta. Magpalit ka na ng shirt mo. Sabay-sabay na tayo ng Dad mo." Napakunot-noo si Ren nang marinig ang sinabi ng kaharap. "Nandiyan si Dad?" "Yes, anak. Sinabi ko kasing uuwi ka ngayon." Lihim siyang bumuntong-hininga. Hindi kasi sila close ng

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 15

    "Or if you want, I'll give you a one-week vacation leave. Umuwi ka sa inyo. I'll give you your salary and 'yong financial help na pinangako ko para sa pamilya mo," mungkahi nito na ikinagulat ni Kiarah. Makakauwi na ako kina Nanay! Sa narinig ay hindi mapigilang tumayo ni Kiarah at yakapin ang amo bilang pasasalamat. Subalit huli na lamang rin niya napagtantong kahiya-hiya ang inasal niya sa amo. "Sorry, Sir Ren. Hindi ko lang kasi mapigilang maging masaya dahil sa sinabi ninyo. Nangungulila na kasi ako kay Nanay at sa mga kapatid ko. Hulog talaga kayo ng langit, Sir Ren," nasisiyahang pasasalamat niya rito. "No, it's okay. Ang totoo, naisip ko rin na baka nami-miss mo na ang family mo. Anyway, pack your things. Sabay na tayong aalis. Magpapa-book na lang ako ng flight pauwi sa province n'yo then ihahatid kita sa airport, okay? Make it fast," sunod-sunod pang wika ng lalaki. Mabilis namang tumango si Kiarah rito at saka masiglang tinapos ang pagkain. Nay, makakauwi na ako. Maka

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 14

    HABANG nagpiprito ng hamon si Kiarah ay naramdaman niyang tila may nakatingin sa kaniya mula sa likuran kaya naman tiningnan niya kung sino iyon. At gayon na lamang ang gulat niya nang makita si Ren na prenteng nakatayo sa pinto ng kusina habang pinupunasan ng tuwalya ang basa pa nitong buhok. Presko ang anyo nito at mukhang kagagaling lamang sa pagligo base sa basa pa nitong buhok. Agad rin niyang napuna na wala itong suot na pang-itaas at naka-boxer shorts lamang. Lumantad tuloy ang matipunong katawan nito na halatang alaga sa pag-eehersisyo. Bahagya rin siyang nagulat nang makita ang tattoo nito sa may kanang bahagi ng dibdib, na halos umabot na rin sa kalahati ng balikat ng lalaki. May tila maliliit na pandesal rin itong mga masel sa tiyan na para kay Kiarah ay maganda ang hubog. Nakakita na rin naman siya ng mga ganoon sa probinsya nila. Iyon nga lamang, iyong mga binata na pawang banat sa pagsasaka at laging bilad sa arawan ang nakikitaan niya ng ganoon. Katulad na lama

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 13

    NAPABALIKWAS nang bangon si Ren nang marinig ang pag-ring ng sariling cellphone. Kaya naman kahit pikit pa ang mga mata ay kinapa niya ang aparato na nakapatong sa ibabaw ng side table. Hindi na rin siya nag-abala pang tingnan kung sino iyon at basta na lamang niya itong sinagot. "Yes, hello?" namamaos pa ang tinig niya pagkasabi noon. "Naistorbo ba kita, anak?" Nagising ang diwa ni Ren pagkarinig sa boses ng ina. Kaya naman inayos niya ang sarili bago muling nagsalita. "I'm sorry, Mom. Kagigising ko lang po," paghingi niya ng paumanhin. "Bakit po kayo napatawag?" "It's okay, anak. Gusto ka lang sana naming kumustahin ng Papa mo." Tsk! Si Papa kinukumusta ako? What the hell! "I'm okay, Mom. Katatapos lang ng assignment ko, that's why I have plenty of time to spend with you," pagbibiro niya pa rito. "Really, anak? Can you go home?" anitong bakas sa tinig ang saya. "We miss you, Ren. Matagal-tagal na rin nang huli mo kaming bisitahin ng Papa mo. Two months? Three months? I don't

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status