PAGKARATING ni Ren sa isang kilalang mall na hindi kalayuan sa condo, ay agad siyang nag-park ng silver na Ford Mustang sa parking space, saka mabilis na umibis roon at tinungo ang entrance ng mall. Pagpasok ay agad siyang dumiretso sa second floor kung nasaan ang department store ng naturang mall. At nang makita ang pakay ay hinanap niya ang ladies' apparel."Good afternoon, Sir! How may I help you?" magalang na tanong ng saleslady nang makita siya."Can you give me small sizes of all blouse, pants, shorts, and other designs? Basta pambabae," sagot naman agad ni Ren rito."Okay, Sir. Please wait a moment."Tinanguan niya ito pagkatapos ay umupo sa couch na naroon at doon naghintay. Pero ilang minuto pa lamang ang nakalilipas ay nakaramdam din siya ng pagkainip, kaya inilabas muna niya ang cellphone at nag-browse sa Facebook."Cath, tingnan mo si Sir. Ang gwapo!""Oo nga, Vev. Mukhang artista.""Swerte naman ng magiging girlfriend ni Sir Gwapo. Sana all."Nag-angat ng tingin si Ren na
Last Updated : 2026-06-17 Read more