TUMANGO-TANGO ang kaharap sa sinabi niya saka tiningnan ang pagkain na hindi pa niya ginagalaw. "Come on, kumain ka na, Kiara. Don't be shy," ani Tita Sylvia na matamis pang nakangiti. Nahihiya man ay sinunod niya ito. Nag-umpisa siyang kumain habang ito naman ay nakangiting pinagmamasdan lamang siya."Kiara, hija, naghahanap ka ba ng trabaho?" mayamaya ay untag ni Tita Sylvia sa kanya.Nilunok muna ni Kiara ang laman ng bibig bago nagsalita. "Sa katunayan, sa dati kong amo sana ang aking punta, pero hindi ko po siya makontak para sunduin ako.""Ganoon ba? Ano namang trabaho mo roon?" usisa pa nito."Katulong po," sagot naman niya habang inuubos ang natitirang pagkain. Hindi na niya alintana kung nagmistulan man siyang gutom na gutom sa harapan nito. Iyon naman kasi ang totoo."Sa ganda mong 'yan, bakit katulong lang ang pinasukan mo? I mean, maganda ka, matangkad, sexy, plus idagdag pang morena ka. Bakit iyon ang napili mong pasukan?""Marangal naman po ang pagiging katulong, Tita Sy
Magbasa pa