Share

CHAPTER 31

Author: GennWrites
last update publish date: 2026-07-10 09:43:20

KINABUKASAN, nagising si Kiara Mendoza nang maramdaman ang mahigpit na pagkakahawak ni Alvin sa kaniyang kamay.

Ngunit sa sandaling iminulat niya ang mga mata, agad siyang nanlamig.

Naninigas ang katawan ng asawa. Namimilipit ito sa kama habang nagdidiliryo at tila hirap na hirap huminga.

"O, Diyos ko! Alvin! Anong nangyayari sa'yo?!" natataranta niyang sigaw habang pilit inaalalayan ang asawa.

Ngunit wala na itong kakayahang sumagot.

Patuloy lamang ang pangingisay nito.

Sa labis na takot
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 36

    NAGLAKAD si Ren Akihara papalapit sa lalaking nakasalampak sa sahig, saka nang-aasar na nginisihan ito."Marami man ang corrupt, marami pa rin namang tapat na taong gaya ko ang huhuli sa mga kriminal na tulad mo!" wika pa niya pagkatapos ay hinampas ng baril ang lalaki. Muli kasi nitong dadamputin ang baril na nalaglag sa sahig.Ilang sandali pa ay dumating na ang mga pulis, maging ang mga kasamahan niya sa OSS (Orion Strategic Services). Nagulat pa siya nang makita niya roon si Adrian. Mabilis siyang dinaluhan ng kaibigan nang makita ang sugat niyang tigmak ng dugo."Ayos ka lang ba, Kups? Kaya mo pa?" tanong nito bagaman nasa tono ang pang-aasar."Gago! Ako pa ba?" natatawang sagot ni Ren. "Ano'ng ginagawa mo rito? Eksena ko 'to, ha?" biro niya pa sa matalik na kaibigan."Tinawagan ako ni Mr. Vargas. Kailangan niya raw sa misyon na ito ang mas magaling sa'yo," pang-aasar pa ng kaibigan."Ulol ka, mas gwapo pa rin ako sa'yo!""Buti 'di mo tinuluyan 'to?" saad pa nito pagkatapos pinos

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 35

    "Just wait for my signal, Agent Akihara, bago ka kumilos. And make sure na secure ang loob bago kami pumasok!"Pasimpleng inayos ni Ren Akihara ang earpiece niya nang marinig iyon saka kunwaring may inayos sa kwelyo bago sumagot."Copy."Malikot ang mata niya nang mga sandaling iyon at mas tinalasan pa ang pakiramdam. Ngayong gabi nila sasalakayin ang nightclub. Naroon na rin siya sa loob at nagpapanggap pa rin bilang isang customer. Sa labas ay nakapuwesto na ang PDEA, NBI, at Quezon City Police District. Ano mang oras ay papasukin na nila ang nasabing lugar.Inikot niya ang paningin sa kabuuan ng El Casa Montenegro at napansin niyang mas lalo yatang dumami ang mga bantay nito. Pero ang kainaman lang, kakaunti ang customers nang araw na iyon. Sinadya talaga nilang itapat iyon sa weekday, dahil kung sakaling manlaban man ang mga ito ay maliit ang posibilidad na may madamay na mga sibilyan.Kailangan ko silang masabihan, isip-isip niya habang pasimpleng nakatingin sa mga tauhang nagkal

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 34

    • • • "Sa loob ng isang linggong pagsu-surveillance ko sa El Casa Montenegro ay nakumpirma kong sangkot ang club sa illegal activities, Mr. Vargas." Tumango-tango si Mr. Vargas, ang may-ari ng OSS (Orion Strategic Services), habang pinanonood ang video clip na nasa laptop ni Agent Akihara, kung saan kuha iyon sa loob ng nasabing bar. Makikita sa video na iyon ang lantarang pagbebenta at paggamit ng droga sa mga kabataan. Huli rin sa kuhang iyon ang pagpo-pot session ng mga ito. "Front lang ang nightclub, Mr. Vargas. Pero pagpasok sa loob, isa itong drug den na halos menor de edad ang customers. At nalaman ko ring kapag nalango na ang mga ito, ay ginagawa ring sex den ang lugar." "This place is bullshit!" galit na saad ng matanda habang pinanonood ang kuhang iyon. "Napakaraming kabataan ang nasisira ang buhay at kinabukasan dahil sa hayop na club na iyan!" "Kailangan na nating salakayin ang club, Sir, bago mahuli ang lahat. Mayroon na tayong matibay na ebidensya at witness upang m

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 33

    "HERE'S your order, Sir. One brandy on the rocks.""Gracias," nakansakaang turan ni Ren Akihara sa bartender saka dinampot ang baso na may lamang alak.Pangatlong araw na niyang nagsu-surveillance sa El Casa Montenegro nang gabing iyon. Patuloy pa rin ang pangangalap niya ng mga ebidensyang magdidiin sa nasabing club. May ilang impormasyon na rin naman siyang nakukuha, pero sa tingin niya ay kulang pa rin iyon kaya naman mas pinaghuhusayan pa niya ang pagmamanman.Gamit ang kaniyang hidden camera na kasing liit ng butones ay kinukuhanan niya ang lahat ng mga kaganapan sa loob. Hindi rin nakaligtas sa camera niya ang mga kabataang lantarang nagpo-pot session. At dahil doon, napatunayan ni Ren na drug den nga ang lugar at front lamang ang nightclub.Busy si Ren sa pagsimsim ng alak nang mapansin niya ang pares ng babae't lalaki na patungo sa isang bahagi ng club na tila mga silid. Ang totoo'y ipinagtataka rin niya kung ano ang mayroon sa bahaging iyon, dahil karamihan sa mga kabataan ay

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 32

    Hindi... Hindi maaaring mangyari iyon. Hindi maaaring mawala sa kaniya si Alvin. Nanginginig ang buong katawan ni Kiara Mendoza habang nakatingin sa nurse. Pilit niyang binabasa ang ekspresyon nito, umaasang may maririnig siyang magandang balita. Ngunit nanatiling tikom ang mga labi ng babae. Awa lamang ang mababanaag sa mga mata nito. Tuluyang nag-uunahan ang mga luha sa pisngi ni Kiara. Hindi... Hindi pa puwede. Hindi pa siya handang mawala ang asawa. Malakas niyang itinulak ang nurse at halos patakbong pumasok sa silid. "Alvin!" Humahangos siyang lumapit sa kama. Subalit tila gumuho ang buong mundo niya nang makita ang asawa. Wala na itong galaw. Napakapayapa ng mukha nito. Napakatahimik. Parang natutulog lamang. Ngunit alam ni Kiara... Hindi iyon simpleng pagtulog. "Alvin..." Mahina niyang tawag habang nanginginig ang mga kamay na humawak sa mukha ng asawa. Hindi ito sumagot. Mas lalo siyang kinabahan. Mabilis niyang niyakap ang lalaki. "Alvin! Alvin, gumi

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 31

    KINABUKASAN, nagising si Kiara Mendoza nang maramdaman ang mahigpit na pagkakahawak ni Alvin sa kaniyang kamay. Ngunit sa sandaling iminulat niya ang mga mata, agad siyang nanlamig. Naninigas ang katawan ng asawa. Namimilipit ito sa kama habang nagdidiliryo at tila hirap na hirap huminga. "O, Diyos ko! Alvin! Anong nangyayari sa'yo?!" natataranta niyang sigaw habang pilit inaalalayan ang asawa. Ngunit wala na itong kakayahang sumagot. Patuloy lamang ang pangingisay nito. Sa labis na takot at pagkataranta ay nagtatakbo si Kiara palabas ng silid. "Parang awa n'yo na po! Tulungan n'yo po ang asawa ko!" humahagulhol niyang pagsusumamo sa mga nurse. Agad namang rumesponde ang medical staff. Tatlong nurse ang nagmamadaling pumasok sa silid ni Alvin habang ang isa ay mabilis na tumawag ng doktor. "'Wag po kayong mag-alala, Ma'am. Kami na po ang bahala sa mister ninyo," mabilis na saad ng babaeng nurse. Ngunit paano siya hindi mag-aalala? Si Alvin lamang ang nasa isip niya. Wala

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 6

    "Prepare your team, Agent Akihara. We're about to enter the club!" NANG marinig iyon ni Ren ay palihim niyang sinulyapan ang iba pang kasamahan at patagong tumango sa mga ito, na ang ibig sabihin ay maghanda. Nasa loob sila ng club mga kasamahan ng gabing iyon at nagpapanggap bilang customers. Pa

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 5

    NAHINTO si Ren sa paglalagay ng plato at kubyertos nang bumungad sa kaniya si Kiarah. Nagpupunas pa ito ng basang buhok habang bakas sa mukha ang pagkailang. Suot na nito ang oversized t-shirt niya kaya nagmistulang duster iyon para sa babae. Slim kasi ang katawan ng dalaga ngunit matangkad naman i

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 4

    "SHIT! What the fuck?!" mariing mura ni Ren sabay habol dito. "Hey! Come back here! Hey!" sigaw niya subalit huli na. Mabilis na itong nawala sa kanyang paningin. "Fuck! Goddammit!" malakas niyang mura saka mabilis na sumakay sa kotse at dali-daling minaniobra paalis sa parking lot.Nakaramdam siya

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 3

    "M-MAMITA, hindi ko po kaya ang magsuot ng ganito," wika ni Kiarah Mendoza sa matandang babae na kanilang floor manager.Pilit niyang hinahatak ang laylayan ng hapit na kulay pulang bistida na maikli ang tabas. Hindi rin siya komportable sa mababang uka sa bandang dibdib nito. Halos lumitaw na kasi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status