AMBERPAGKATAPOS NG TRABAHO, hindi na ako dinala ni Haven sa isang mamahaling restaurant gaya ng inaasahan ko. Sa halip, dumaan muna kami sa isang restaurant para bumili ng pagkain at pagkatapos ay nagmaneho siya papunta sa isang malaking park na hindi gaanong matao. Habang naglalakad kami papunta sa isang lugar na malapit sa maliit na open area kung saan may ilang taong nakaupo, napatingin ako sa dala niyang mga paper bag.“Ang dami naman nito. Ilan ba tayong kakain? Dalawa lang tayo pero parang pang-pamilya ang binili mo,” sabi ko habang sinusundan siya.“Hindi ko alam kung ano ang gusto mong kainin kaya bumili ako ng iba-iba. May rice, chicken, pasta, sandwiches at dessert. Pili ka na lang kung ano ang gusto mo,” sagot niya habang nakangiti.Napailing ako habang pinapanood siyang maglatag ng maliit na mat sa damuhan. Inayos niya ang mga pagkain sa ibabaw nito at saka umupo, kaya napilitan na rin akong umupo sa tabi niya. Hindi ko naman inakalang ganito lang pala ang gusto niyang g
Last Updated : 2026-10-05 Read more