MARGAMakalipas ang ilang sandali, nakarating ako sa restaurant na sinabi ni Kevin. Isa itong mamahaling lugar na may pribadong mga mesa at hindi gaanong maingay, kaya komportable akong makipag-usap nang hindi kami naririnig ng ibang tao. Nakita ko siyang nakaupo malapit sa bintana, at nang mapansin niya ako, agad siyang tumayo.“Marga, ano'ng nangyari?” tanong niya habang lumalapit.Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pagkalapit ko sa kanya, bigla na lang akong napaiyak at niyakap siya. Hindi ko na inisip kung ano ang magiging tingin niya sa akin. Gusto ko lang ilabas ang bigat na ilang araw ko nang dinadala.Nagulat si Kevin sa ginawa ko, pero agad niya akong niyakap pabalik. Hinaplos niya ang likod ko habang hinahayaan akong umiyak sa balikat niya.“Hoy, bakit ka umiiyak nang ganito? Sino ang may ginawa sa iyo? Sabihin mo sa akin at kakausapin ko,” mahinahon niyang tanong.Umiling ako habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa damit niya. “Pagod na ako, Kevin. Pagod na pagod na akong
Last Updated : 2026-10-09 Read more