MARGA Hindi ko na alam kung ilang baso na ang nainom ko habang nakaupo sa harap ni Kevin. Kanina pa ako nagkukuwento tungkol sa mga nangyayari sa buhay ko,. Lalo na tungkol kay Haven at sa pakikitungo sa akin ng pamilya niya. Akala ko noong una, kapag naging asawa ako ni Haven, kahit papaano ay magkakaroon ako ng puwang sa puso niya. Pero hanggang ngayon, si Amber pa rin ang hinahanap niya. At kahit ang sarili niyang ama ay tila hindi na ako kinakampihan.“Alam mo, Kevin, nakakapagod na! Asawa ako ni Haven pero parang ako pa ang kailangang magmakaawa para lang pansinin niya. Kapag si Amber ang kasama niya, para siyang ibang tao. Samantalang kapag ako ang kaharap niya, para akong isang bagay na gusto niyang mawala sa paningin niya,” reklamo ko habang muling nagsalin ng alak sa baso.Napailing si Kevin habang pinagmamasdan ako. “Ang tanga mo talaga, Marga. Ilang beses na kitang sinabihan na tigilan mo na ang paghabol sa lalaking hindi ka naman mahal. Kung ako ang minahal mo noon pa, h
Last Updated : 2026-10-10 Read more