"Nag-enjoy ka ba, hija?" tanong ni Lola Felicia sa akin habang kausap ko siya sa cellphone.Nasa loob na ako ng van habang si Marcus ay may kausap pa sa labas. May nakita daw kasi siyang kakilala kaya hinayaan ko na muna."Hindi ka kasi nagtawag kaya medyo nag-alala na ako," dugtong niya pa."Nag-enjoy po ako, Lola," sagot ko. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi. Ang dami ko ring nagawa sa isang linggong honeymoon namin! Na-enjoy ko talaga lahat! Nag-dive kami, snorkeling, yacht, nag-camp din tapos nakapag-bar pa ako! Sayang nga at hindi ko na nakita si Yuki. Pinahanap ko pa siya kay Marcus pero nakapag-check out na rin, sayang kasi kahit papaano naging kaibigan ko 'yung tao. "Sana po sa susunod lahat po tayo makapagbakasyon lahat dito.""Gusto mo ba, hija?" malaki ang ngiting tanong sa akin ni Lola.Sunod-sunod naman agad akong tumango sa kanya, natawa siya."Sige, pagplaplanuhan natin 'yan... I-request mo na rin sa asawa mo para matuloy lalo," aniya. "Oh, siya. Ingat kayo sa b
Mehr lesen