Naglalakihang ilaw, screen, magagandang lamesa, upuan, at iba't ibang engrandeng mga kagamitan ang bumungad sa akin nang makapasok ako sa venue. Hindi ako sumabay papasok kay Marcus dahil abala ang mga taong kausapin at kumustahin siya. Noong una, ayaw pa niyang pumayag. Gusto niya sa entrance pa lang, kita na kami ng lahat, ngunit hindi ko pala kaya. Ayoko ng gano'ng atensyon. Sa nakikita ko pa lang ngayon na maraming camera na nakatutok sa kanya, mahihirapan na ako agad. Paano kaya kung sumama ako sa kanya kaninang papasok?"Are you sure na okay lang sa 'yo na maiwan mag-isa rito, hija?"Nakangiti akong tumango sa tanong ni Mommy Mariel. Abala kasi ang pamilya nila. Lahat sila. Maski si Hershey na gusto akong samahan magdamag ay walang nagawa nang isinama sila ni Lola Felicia para ipakilala sa iba. Ipapakilala rin naman ako, pero abala pa si Marcus kaya inuna muna ang dalawa, pero mas ayos na rin sa akin na 'wag muna akong ipakilala. Parang nakakahiya pa rin pala.Dahil may pangalan
Mehr lesen