Malaki ang ngiti ko sa labi habang naghahanda ng umagahan naming mag-asawa. Alam ko naman na nilinaw sa akin ni Marcus na hindi namin kailangang maging ganito sa isa't isa, pero ayoko kasi ng ganoon. Tutal, normal lang para sa akin ang ganito lalo na noong nasa probinsya ako. Kumakanta pa ako habang nagluluto. Nang makarinig ng mga yabag pababa ng hagdan ay mabilis akong lumingon doon. Agad kong nakita si Marcus. Nakasuot ito ng pang-opisina at ayos na ayos na ang itsura nito. Ang gwapo din pala talaga niya, hindi ko maitatanggi. Gwapo ang asawa ko—matangkad, matipuno, at suplado. Para siyang 'yung mga artistang kinababaliwan ng kababaihan. "Good morning!" malaki ang ngiting bati ko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Masungit pa rin, ano ba 'yan?! "Nagluto ako ng umagahan! Tapos nagluto na din ako ng baon mo para sa tanghali—" "I don't eat lunch," putol niya agad sa akin. Mabilis na nawala ang ngiti sa aking mga labi. Ano ba 'yan? May tao pala na hindi kumakain ng tangh
Read more