ログインMasayahin at inosenteng probinsyana na babae si Monica Celestine Alcantara. Kuntento at masaya siya sa buhay niya sa probinsya, kasama niya ang Ina at Lola na nagpalaki sa kanya at ang boyfriend niyang si Yuan na taga Manila. Ngunit sa halos limang taon relasyon nila ni Yuan ay ni-minsan ay hindi niya ito nakita sa personal, kaya ng bigyan siya ng pagkakataon makalipad pa Manila. Ngunit hindi niya akalain na ang maabutan niya doon ay si Yuan. Napanood niya kung paano ikasal si Yuan sa isang mayaman na babae. Nasaktan si Monica dahil doon. Hindi niya matanggap na ang kasintahan niya na akala niya na ito na ang lalaking papakasalan niya ay hindi pala. Doon niya nakilala si Marcus sa isang Bar, broken din ito tulad niya, nalasing sila parehas kaya may nangyari sa kanila. Nang magising siya ay tumakas siya ngunit doon niya naman nakilala si Donya Felicia ang kaibigan ng Lola niya. Nalaman niyang ipinagkasundo pala siya ng Lola niya sa apo nitong si Marcus Deniel Zapanta. The Billionaire Engineer CEO ang lalaking nakakuha ng virginity niya. Lalo na nalaman niyang matalik na magkaibigan ang mga Lola nila. She's willing to be a good wife to her cold billionaire husband, Marcus. Kahit madalas ay sinusungitan siya nito ay masaya pa din siya palagi. Ngunit hindi niya akalain na si Yuan. Ang dati niyang kasintahan ay half-brother pala ni Marcus sa Ama. Marcus hated his half-brother so much, pakiramdam niya ay kahati niya ito sa lahat lalo na pinakasalan nito ang babaeng gusto niya. Ngunit nang malaman na may nakaraan si Monica at Yuan ay gusto niyang gamitin ang inosenteng asawa laban sa kapatid. If the arranged marriage will go on good terms, can the past can affect the future to fall in love with each other?
もっと見るNaglalakihang ilaw, screen, magagandang lamesa, upuan, at iba't ibang engrandeng mga kagamitan ang bumungad sa akin nang makapasok ako sa venue. Hindi ako sumabay papasok kay Marcus dahil abala ang mga taong kausapin at kumustahin siya. Noong una, ayaw pa niyang pumayag. Gusto niya sa entrance pa lang, kita na kami ng lahat, ngunit hindi ko pala kaya. Ayoko ng gano'ng atensyon. Sa nakikita ko pa lang ngayon na maraming camera na nakatutok sa kanya, mahihirapan na ako agad. Paano kaya kung sumama ako sa kanya kaninang papasok?"Are you sure na okay lang sa 'yo na maiwan mag-isa rito, hija?"Nakangiti akong tumango sa tanong ni Mommy Mariel. Abala kasi ang pamilya nila. Lahat sila. Maski si Hershey na gusto akong samahan magdamag ay walang nagawa nang isinama sila ni Lola Felicia para ipakilala sa iba. Ipapakilala rin naman ako, pero abala pa si Marcus kaya inuna muna ang dalawa, pero mas ayos na rin sa akin na 'wag muna akong ipakilala. Parang nakakahiya pa rin pala.Dahil may pangalan
Abala ang lahat para sa Gala Business Event na pupuntahan namin. Buong pamilya nila Marcus ang pupunta. Balita ko rin na pinaka-inaabangan ang pamilyang Zapanta kaya kabadong-kabado ako! Paano ba naman kasi? Wala akong alam sa ganito! Kung pwede lang hindi sumama, hindi ako sasama! Nahihiya ako dahil lahat sila may pinag-aralan at pangalan sa industriya habang ako, asawa lang ng mayaman na anak nila."Anak, kumusta ka naman diyan?" tanong ni Mama.Nasa hotel room ako kung saan ako inayusan at binihisan ng mga taong inutusan ni Lola Felicia."Miss ka na namin ng lola mo."Mapait akong napangiti. "Miss ko na rin po kayo... Kapag pwede na po akong dumalaw sa inyo... dadalaw po ako..." sabi ko. "Isasama ko po si Marcus para makilala niyo rin ang asawa ko," dagdag ko pa."Sige, anak! Paghahandaan namin ang pagbisita mo rito! Magsaya ka muna diyan, ha? Masaya kami kung ano man ang mayroon ka ngayon, anak..." emosyonal na sabi ni Mama.Napangiti ako."Ingat ka diyan palagi. Kapag may problem
Dahil sa naging malalim at magandang usapan namin ni Marcus, napagkasunduan naming dalawa na maging totoo at bukas sa isa't isa. Pumayag din siya sa kagustuhan ko na magtrabaho sa cafeteria at 'wag ipagkalat sa iba roon ang tungkol sa relasyon namin, ngunit oras na may magtanong ay wala kaming balak na itago 'yun."Anong gusto mong almusal?" tanong ko. Kakagising lang namin pareho. Wala akong pasok ngayon, gano'n din siya. May family dinner kami mamaya kasama ang pamilya niya para sa gaganaping Gala na dadaluhan naming lahat.Sa totoo lang, pagod pa ako dahil sa ginawa naming dalawa, pero nasanay na kasi akong gumising nang maaga."Marcus..." tawag ko sa kanya, lalo na't hindi siya sumasagot.Yumakap lang siya lalo sa baywang ko at ibinaon ang mukha niya sa tiyan ko. Natawa ako."Huy...""Ang bango mo…" malambing niyang sabi. Dama ko ang paglapat ng labi niya sa ibabaw ng tiyan ko. Napangiti ako. "Gutom ka na ba? Tulog pa tayo.""Hindi puwede. Makikipagkita tayo sa pamilya mo ngayon."
"Ano, Monica? Sagot." Seryoso ang mukha ni Marcus. Nakaupo siya sa mahabang sofa habang nakayuko lang akong nakatayo sa harapan niya. "Anong rason mo para magsinungaling, ha? Kailan ka pa nagsimulang magtrabaho? Kailan ka pa nagsinungaling sa 'kin, hmm?""Marcus naman..." Hindi ko na alam ang sasabihin ko. "Galit ka ba? Sorry na... Ano bang gusto mong gawin ko para mawala lang ang galit mo?" tanong ko. Seryoso ako. Kahit ano ang gagawin ko, 'wag lang siyang magalit o 'wag lang kaming mag-away dalawa.Umiwas siya ng tingin sa 'kin, kaya mas napanguso ako. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at naupo sa tabi niya. Mukha na akong batang kinawawa. Ano ba kasing gagawin ko? Ang hirap naman kasi kapag sinabi ko agad sa kanya noong una kung saan ako nagtatrabaho, sigurado akong hindi agad siya papayag. Nasabi na rin sa 'kin no'n ni Lola Felicia na palaging sinasabi ni Marcus sa iba na kasal na siya at may asawa na siya, habang ako nagdadalawang-isip pa rin kung sasabihin ko ba 'yun. Hindi sa
Mariin akong napapikit at huminga nang malalim. Alam kong buhay ko na ang nakasalalay sa desisyong gagawin ko ngayon. Ngayon ay alam ko na ang lahat, ang katotohanan. Ang pagtatago sa akin nina Lola tungkol sa bagay na ito ay malinaw na para sa mabilis kong pag-unawa."Pasensya ka na, apo..." umiiy
Masakit ang ulo ko nang magising ako. Hanggang ngayon ay tulala pa rin ako habang nakatingin sa malapad na likod ng lalaking nakakuha ng pagkababae ko! Ni hindi ko alam kung paano ako nakarating sa condo niya! Ang naalala ko lang, nasa bar ako! Tapos 'yon na!Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Ang
Malakas ang iyak ko habang lumalabas ng simbahan. Wala na akong pakialam sa iisipin ng iba. Hindi ko matanggap! Bakit kung kailan nandito na ako, tsaka naman nagkaganito?! Kaya ba hindi niya ako pinupuntahan sa probinsya? Kaya ba ayaw niya akong makarating ng Manila dahil ikakasal pala siya sa iba?
Hindi ko pa rin magawang maibalik sa matinong wisyo ang sarili ko kahit nasa harap na kami ng pagkainan. Masaya ang lahat tungkol sa kasal namin ni Marcus. Maraming bumati at nagregalo sa amin. Karamihan ay kamag-anak ni Marcus, at ang ilan ay malalapit nilang kaibigan at business partners.Pero wa












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.