ARIA ALCANTARA POV"Aria, sandali naman! Huwag mo namang gawin sa akin 'to!"Napatingin ako sa kamay ni Chloe na nakahawak sa braso ko. Ang higpit ng kapit niya, habang ang mga mata niya ay basang-basa na naman ng luha. Grabe, kung may award lang para sa pinakamagaling na best actress sa balat ng lupa, siguradong sa kanya na mapupunta ’yon taon-taon. Ang galing niyang magmukhang biktima sa harap ng maraming tao, kahit na siya naman talaga itong ahas na pumasok sa kwarto namin ni Jared."Bitawan mo ako, Chloe," malamig kong utos habang tinitingnan ang kamay niyang nakahawak sa mamahaling tela ng aking dress."Ate, parang awa mo na," pagmamakaawa niya, sapat ang lakas para marinig ng mga empleyado sa paligid na ngayon ay kunwaring abala sa mga computer nila pero halata namang nakikinig. "Kasalanan ko naman, eh. Ako ang may gusto nito. Huwag mong alisin si Jared sa kumpanya. Paano na lang ang mga pangarap niya? Paano na lang ang pinaghirapan niya?""Pangarap?" Natawa ako nang mahina, isa
Read more