ARIA ALCANTARA POVMabigat ang kamay na binitawan ko ang mamahaling fountain pen sa ibabaw ng mesa. Nakatitig lang ako sa dalawang pirma na magkatabi sa dulo ng Marriage Contract. Isang pirasong papel lang ’to, pero alam kong binago nito ang direksyon ng buhay ko habambuhay. Sa isang kurap, hindi na lang ako si Aria Alcantara na itinakwil at pinalayas; ako na ang asawa ni Ethan Vance."Good," maikling saad ni Ethan. Kinuha niya ang dokumento, mabilis na isinara ito, at ibinalik sa loob ng kanyang drawer. Susi agad ang sumunod. Ganoon siya kabilis at ka-kalkulado sa lahat ng bagay. "Now that the papers are signed, it’s time to fix your current situation. Saan mo balak tumuloy ngayon?"Tumingin ako sa bintana, pilit na itinatago ang bahagyang hiya. "Sa totoo lang, nakikituloy lang ako sa isang maliit na apartment ng dati kong kaklase sa labas ng siyudad. Pansamantala lang naman, habang inaayos ko pa ang mga susunod kong plano.""No," mabilis na agaw ni Ethan, ang boses niya ay walang pu
Last Updated : 2026-06-18 Read more