ARIANA ALCANTARA POVNakatayo ako sa tabi ng hospital bed ni Papa habang dahan-dahan niyang idinidilat ang mga mata niya. Ang puti-puti ng balat niya, malayo sa itsura niya noong nakaraang linggo na laging mayabang at nakataas ang noo sa loob ng opisina. Ang daming nakakabit na tubo sa katawan niya, at sa bawat paghinga niya, parang hirap na hirap ang dibdib niya."Aria..." mahina at garalgal niyang tawag, halos pabulong na lang.Agad kong hinawakan ang nanginginig niyang kamay. Mainit pa rin naman, pero parang wala na itong lakas. "Nandito na ako, Pa. Huwag ka munang magsalita ng marami. Makinig ka lang sa akin," sabi ko habang pinipigilan ang pag-iyak ko para hindi niya makitang mahina ako sa harap niya.Umiling siya nang bahagya, pilit na iniaangat ang isa niyang kamay para hawakan pabalik ang mga daliri ko. "Hindi... kailangan ko 'tong sabihin sa 'yo... bago pa ako mawalan ng lakas," putol-putol niyang sabi. Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy.
Read more