Halos kasabay ng pagdating ni Graziel sa sala ang mabilis na pag-akyat ni Kevin sa hagdan. Hindi na nito hinintay ang paliwanag niya. Dalawa-dalawang baitang ang nilaktawan nito habang patungo sa silid ni Junie.Naiwan si Graziel sa ibaba, hinahabol ang sariling paghinga. Hindi niya alam kung bakit, pero parang siya rin ang kinabahan.Natural lang na kakabahan ka, naging close mo na yong bata eh, bulong ng utak niya.Ilang segundo lamang ang lumipas ay agad din siyang sumunod sa itaas. Pagdating niya sa bukas na pinto ng silid ni Junie, nakita niyang nakaluhod na si Kevin sa harap ng anak."Junie." Mahina ngunit halatang nag-aalalang tawag nito. "Look at me."Nakahawak pa rin ang bata sa tiyan na alam mong nasasaktan talaga ang bata. Maputla ang mukha nito at bahagyang nakapikit. Mas lalo tuloy siyang natakot sa nakikita niya."It hurts, Daddy..." Umiiyak na sigaw ni Junie habang patuloy pa rin ito paghawak sa sariling tiyan.Agad na hinawakan ni Kevin ang noo ng anak at sinilip ang m
Read more