Naging maingay ang buong kusina sa loob lamang ng ilang minuto. Hindi na nga alam ni Graziel kung kanino siya makikinig. Sabay-sabay ba naman magsalita tong dalawa. Ang malala pa, mas maingay pa yong tatay kaysa sa anak.Nasapo na lang niya ang noo niya nang muntikan pa ang mga ito mag-away."Ako ang maghahalo!" Giit ni Kevin pero syempre hindi rin magpapatalo ang anak.Syempre, kanino pa ba magmamana? Edi sa Daddy."Hindi, Daddy ang maghahalo!""Ako na lang po," natatawang sabat ni Graziel habang inaabot ang mangkok. Kung hindi siya aawat, walang magpapatalo sa dalawa."Unfair!" nakangusong reklamo ni Junie. "Teamwork nga!"Nakita pa niyang napailing si Kevin. Aba, mukhang ito pa ang stress imbes na siya dapat. Yong tenga niya, rending-rendi na sa dalawa."I think your definition of teamwork is making other people do the work.""Exactly!"Napahalakhak si Graziel."Baby, hindi gano'n ang teamwork.""Eh ano?""Ang teamwork, lahat tumutulong.""Okay!" masayang sabi ni Junie. "Daddy, ika
Magbasa pa