登入Pakiramdam ni Graziel ay hindi na siya makahinga. Hindi niya alam kung ano ang mas nakakahiya. Ang katotohanang sinabi ni Junie ang tungkol sa usapan nila o ang paraan ng pagtingin ni Kevin sa kanya matapos sabihin ang mga salitang iyon."I think I already know."Paulit-ulit iyong umalingawngaw sa isip niya at lalo lamang uminit ang kanyang mukha. Wala na talagang ginawang matino si Junie ngayong araw. Parang tama nga ang sinabi ng Daddy na troublemaker ito. Kasi ngayon pa lang, gumugulo na ang utak niya. Dios mio!"Daddy!" Masayang sabi ni Junie at mukhang tuwang-tuwa sa direksyong tinatahak ng usapan. "You know na po?"Kevin leaned casually against the edge of the desk."I have a feeling."Nanlaki ang mga mata ni Graziel. Hindi. Hindi niya puwedeng hayaan na magpatuloy ang usapan na to tapos nandito siya sa silid at makikinig sa mag-ama. Kung hindi, mamamatay siya sa hiya."May gagawin pa po ako sa kusina." Bigla niyang sabi habang mabilis na tumatayo at halos mabangga pa niya ang
Hindi agad nakasagot si Graziel. Nagulat siya sa sinabi nito at parang wala siyang mahanap na salita para isagot sa bata. Nakakagulat ba naman kasi at masasabi mong nagbibiro lang si Junie. Ayaw nito kay Vanessa na ito nga ang pinakabagay sa Daddy nito tapos sasabihin nitong siya ang gusto nito? What the heck! Hindi niya ma-gets kung saan nito kinukuha ang mga idea nito.Napabuntonghininga siya at nanatili lang siyang nakatitig kay Junie habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya ang isang salita."You."Parang napakasimple ng pagkakasabi ng bata na parang gets nito ang sinasabi nito. Na para bang wala itong alam sa gulong idinudulot nito sa isip ng isang tao.At marahil ay ganoon nga.Pitong taong gulang lang si Junie at wala itong alam sa komplikasyon ng mga relasyon. Wala itong alam sa sinasabi nito at hindi nito naiintindihan. Wala itong alam sa pagkakaiba ng mundo nilang mga matatanda.Sa mga bagay na hindi puwedeng mangyari kahit gaano pa kaganda pakinggan. Siguro bunga l
Tahimik na naglakad sina Kevin at Junie palabas ng living room. Mahigpit pa ring nakahawak ang bata sa kamay ng ama nito habang patuloy na nakasimangot. Para itong maliit na ulap na handang bumagyo anumang oras. Pinapakita talaga nito na parang ayaw na ayaw nito sa bisita nila.Napailing na lang at nagkibitbalikit si Graziel habang nakasunod sa mag-ama. Wala naman siyang magagawa kung galit talaga ang bata. Hindi nga ito mapakalma ng tatay nito, siya pa kaya na isa lang maid diba? Napabuga na lang siya ng hangin ng wala sa oras.Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang matinding inis ni Junie kay Vanessa. Sa ilang linggong pagkakakilala niya rito, nakita na niyang magtampo ang bata. Nakita na rin niyang magalit ito ngunit hindi kailanman na ganito ka lala.Parang personal talaga ang galit ng bata. Parang may malalim itong dahilan kaso hindi niya lang ito matanong kung ano. Wala rin naman siya sa posisyon para magtanong diba?Pagdating nila sa ikalawang palapag ay dumiretso sila sa s
Hindi alam ni Graziel kung matatawa ba siya o maaawa. Dahil habang tumatagal ang araw, mas lalo niyang napapatunayan na seryoso si Junie nang sabihin nitong hindi nito gusto si Vanessa Del Rosario.At mukhang wala rin itong balak itago iyon. Kung maldita siya, parang mas maldita pa kasi itong si Junie. Pinapanindigan talaga nito na ayaw nito kay Vanessa. Palagi nitong tinitingnan ng masama ang babae pero ang malala, parang balewala lang din naman dito ang ginagawa ni Junie. Parang hindi effective dito ang ginawa ng bata.Pero kahit ganon ang nangyayari, walang pakialam si Junie. Siguro iniisip nito na ito ang may-ari ng bahay. At ang taong ayaw nito ay aawayin talaga nito. Kaya napapailing na lang siya kahit gusto na niyang matawa. Bata nga naman talaga.Pagsapit ng tanghalian ay nakahain na ang pagkain sa malaking dining room ng mansion. Yong dining table na inasikaso nilang lahat kanina. Dito pa talaga sa dining table na sobrang laki at mahaba na kasya siguro ang mahigit dalawampun
Hindi alam ni Graziel kung bakit, pero iba ang pakiramdam niya nang araw na iyon. Halos hindi niya masundan ang mga kilos ng mga maid kaya napakamot na lang siya sa ulo niya. Halos busy ang lahat sa hindi niya malamang dahilan.Maaga siyang nagising at agad na bumaba para tumulong sa kusina, nakakahiya naman sa iba na hindi na magkandaugaga sa pagtatrabaho. Katulad ng nakasanayan, tahimik pa ang buong mansion pero sa kusina ay sobrang busy na ng mga katulong. At nang pumunta siya sa kusina ay nandon ang mga tunog ng mga kubyertos at mahinang pag-uusap ng mga katulong. Pero hindi niya talaga mapigilang magduda, parang kakaiba talaga ang nangyayari ngayon. Kasi kung normal na araw lang hindi naman magmumukhang tensyonado ang mga kasama niya. Pero ngayon, sobrang bilis nilang magsikilos kaya muli siyang napakamot sa leeg niya saka na lang niya napagpasyahan na mag-ayos ng mga bulaklak na dumating kahapon.Habang nag-aayos siya ng mga bulaklak sa dining table, napansin niyang ilang beses
Lumipas ang mga linggo. Ay hindi namamalayan ni Graziel, unti-unti nang nagbabago ang buhay niya. Maging ang buhay sa Torres Mansion.Kung noong una siyang dumating ay pakiramdam niya ay isa siyang estrangherong naglalakad sa loob ng isang napakalaki at napakalamig na bahay, ngayon ay tila iba na.Hindi na ganoon katahimik ang mansion. Hindi na ganoon kabigat ang hangin. At hindi na rin ganoon kalungkot ang pakiramdam ng lugar.Minsan, habang naglalakad siya sa hallway, nakakarinig siya ng tawanan. Minsan naman ay naririnig niya ang malakas na boses ni Junie na parang walang kapaguran sa pagkukuwento.At kung minsan, naririnig pa niya ang isa pang tawang hindi niya kailanman inakalang maririnig nang madalas.Ang tawa ng boss niya."Ano po'ng nangyari dito?"Napahinto si Graziel sa kusina dahil nagkalat sa countertop ang harina. May basag pa na itlog at may gatas din sa gilid. At ang malala pa may iang mangkok na parang nagkaroon ng isang malagim na trahedya.At sa gitna ng lahat ng ka
Hindi alam ni Graziel kung bakit, pero pakiramdam niya ay may kung anong binabalak si Junie. Mula pa noong araw na na-trap sila ni Kevin sa library, mas lalo nang naging masigla ang bata. Okay naman yon sa kaniya na naging masigla ito kasi mas madalas na itong ngumiti at mas madalas na itong tumawa
Hindi alam ni Graziel kung bakit, pero pakiramdam niya ay mas dumidikit si Junie sa kanya habang tumatagal. Tatlong araw pa lamang siya sa Torres Mansion, ngunit tila matagal na silang magkakilala ng bata.Mula umaga hanggang gabi ay halos hindi siya nito tinatantanan. Habang nag-aayos siya ng mga
Kinabukasan matapos ang insidenteng may kinalaman sa drawing ni Junie, nagising si Graziel nang mas maaga hindi dahil sa alarm kundi dahil sa alaala ng batang babae.Napabuntong-hininga siya habang nakatitig sa kisame ng kanyang maliit na silid. Sa isip niya ay paulit-ulit na bumabalik ang drawing
Kung may isang bagay na natutunan si Graziel matapos makilala si Junie Torres, iyon ay ang katotohanang hindi marunong lumayo ang batang iyon kapag may nagustuhan. At mukhang siya ang napili nitong bagong paboritong tao. Na para bang ginawa siyang literal na laruan ng bata at ayaw nitong mahiwalay







