Marahang sumayaw ang mga dahon ng matandang acacia tree kasabay ng malamig na simoy ng hangin.Sa ilalim ng malawak nitong lilim, maingat na inilatag ni Graziel ang checkered picnic blanket habang si Kevin naman ay inilapag ang picnic basket sa gilid.Hindi nagtagal ay naupo na si Junie sa gitna ng kumot, yakap-yakap si Mr. Fluffy na tila isa ring espesyal na bisita sa kanilang munting salu-salo."Perfect!" masaya nitong sabi habang iniikot ang tingin sa paligid.Napangiti si Graziel. Mukhang matagal nang pinapangarap ng bata ang simpleng umagang iyon.Lumuhod siya upang isa-isang ilabas ang mga pagkaing inihanda nila.Naroon ang club sandwiches, cookies, sariwang prutas, potato chips, strawberry milk ni Junie, at dalawang bote ng orange juice."Wow..." manghang sabi ng bata. "It looks like a real picnic."Napatawa si Graziel. "Picnic naman talaga ito.""But prettier!"Napailing na lamang siya habang inaayos ang mga plato. Sa kabilang banda, tahimik namang pinagmamasdan ni Kevin ang a
Magbasa pa