Kinagabihan, muling nabalot ng katahimikan ang mansion.Mula sa kusina ay unti-unti nang naaamoy ang masarap na hapunang inihanda ng chef. Mainit na pumpkin soup, herb-roasted chicken, buttered vegetables, baked salmon, at bagong lutong dinner rolls ang isa-isang inilalagay ng mga kasambahay sa mahabang dining table.Tahimik na inaayos ni Graziel ang mga kubyertos. Nang akmang ilalagay na niya ang ikalimang plato, bahagya siyang natigilan.Naalala niya ang sinabi ni Kevin."Claire is staying for dinner."Maingat niyang inilapag ang huling place setting bago umatras ng isang hakbang upang tingnan kung maayos ang pagkakaayos ng mesa."Perfect." Mahina niyang bulong sa sarili."Ate Graziel!"Napalingon siya nang marinig ang pamilyar na boses ni Junie. Mabilis na tumatakbo ang bata papasok ng dining room, hawak ang kamay ni Claire.Pareho silang nakangiti. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na parang mag-ina ang dalawa sa sobrang cute nilang tingnan. Pero agad niyang inalis sa isipan niya
Baca selengkapnya