Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ni Junie. Para bang sobrang proud ito sa sarili dahil may naisip na naman itong "mission" para sa daddy nito. Si Junie lang talaga ang natutuwa sa pinagagawa nito eh. Ang laki pa nga ng ngiti ng alaga niya.Samantalang siya, gusto na lang magtago sa ilalim ng kumot. Gusto niyang maglaho kahit sandali para hindi siya makita ni Junie at makaisip na naman ito ng kalokohan."Ate?"Napakurap siya. Heto na naman si Junie, parang gusto na naman siyang pagtripan. Nako talaga, Junie. Kung kaya lang kitang isiksik sa sako, kanina ko pa ginawa, aniya sa sarili."H-Hmm?" tanong na lang niya sa bata.Junie giggled. "You're blushing.""A-Ako?" Nauutal pa niyang tanong. Sino ba namang hindi mamumula kung ganito ang ginagawa sa kaniya? Gusto na nga lang niyang maglaho, eh, para makaiwas.Tumango ang bata. "Sobrang red,."Agad niyang hinawakan ang magkabilang pisngi para i-check kung nagsasabi ba ng totoo tong si Junie. At saktong paglapat ng palad niya sa kaniy
閱讀更多