MasukDalawang linggo ang lumipas. Wala pa ring balita si Jake at Lorie sa kalagayan ng kanilang kaibigan na si Kesha. Batid niya na hindi ganoon kaligtas ang kalagayan ng dalaga dahil sa maselang pagbubuntis nito. Kahit ang ilang nagtatrabaho sa farm ay hindi rin inakala ang mga nangyari sa kanila.“I told you befero, Jake. Dapat kasi sinunod mo na ang sinabi ko.”“Hindi mo siya kilala. Gagawin niya ang lahat para lang makita si Kesha. Ngayon pa na mayroon siyang dahilan.”“Sabihin mo nga sa akin. Ano bang dahilan ni Gustavio at ganoon na lang ang galit niya sa kaibigan ko.”“Sa ngayon wala pa rin akong alam. Ngunit, ilang araw na ring hinahanap si Kesha ng kanyang pamilya.”“Si Don Ramon ba? Hindi ligtas si Kesha sa kanila. Ako pa nga ang tumulong para lang siya ay makatakas noon. Isa pa roon ay ang taksil niyang kapatid na si Irish. Hanggang ngayon ay pinipilit nilang ipakasal si Kesha sa matandang mayaman na ʼyon.”“Matandang mayaman?” seryosong tanong ni Jake kay Lorie. “Hindi mo alam
Ito na siguro ang oras. Iyon ang nagdidikta sa isipan ni Kesha. Binuksan niya ang kabinet. Puno ito ng mga magagandang damit. Hindi niya batid na magkasama sila ngayon ni Gustavio, sa isang kʼwarto. Pumasok muli sa isip niya ang mga gabing nangyari sa kanilang dalawa. Bakit pakiramdam niya ay hindi lang iyon sa napilitang sandali? Kundi dala ng bawat emosyon sa pagitan nilang dalawa. Ang pagtitig sa kanya ni Gustavio, na parang hindi siya nito kayang saktan. May pag-iingat, may pagsusumamo sa kanya. Ngunit, hanggang panaginip lang at panandalian ang lahat ng iyon. Ayaw niyang maniwala sa pusong alam niyang bumabaliktad sa bagay na hindi naman dapat.Tahimik lang si Kesha na nakamasid sa bintana. Malakas ang hangin. Ramdam din niya ang lamig nito. Tanaw niya sa hindi kalayuan ang mga kumikinang na ilaw. Hudyat na malapit na ang pasko. Napangiti si Kesha. Hinawi niya ang manipis na kurtinang puti na sumasangga sa kanya. Ngunit sa pagtingin niya sa ibaba. Hindi niya inakalang pinagmamasd
Mag-alas dose na nang gabi ay wala pa rin si Gustavio sa mansyon. At hanggang ngayon inaalala pa rin ni Kesha ang kanyang mga kaibigan. Lumapit siya sa isang kasambahay. Ngunit walang kahit na anong salita ang lumabas sa mga bibig nito. Paulit-ulit man ang mga tanong ni Kesha, tungkol kay Gustavio. Tikom ang mga bibig nito para sa binata. Malalim ang pinakawalan niyang paghinga. Tila ba hindi niya gusto ang mga nangyayari. Kahit telepono ay kinuha rin sa kanya ni Gustavio. No calls or any contact sa lahat ng kanyang mga kaibigan.“Wala bang sinabi si Gustavio sa inyo, bago siya umalis?”“Ang tanging sinabi lang niya ay huwag kitang hahayaang umalis dito sa mansyon. Pero, kung tungkol sa mga kaibigan mo. Wala akong alam, hija.”“S-salamat po. P-pasensya na po kayo,” sagot ni Kesha sa matanda kahit mautal-utal pa siya.“Kilala ko na ang batang iyon mula pagkabata. Mabait naman siya at may sariling desisyon sa buhay. At alam kong mahal ka niya at may nararamdaman din siya para sa ʼyo. Min
Bakas pa rin sa katawan ni Jake ang ilang natamo niyang sugat dahil sa mga tauhan ni Gustavio. Ilang beses ba naman silang lagyan ng lubid ang kanilang mga kamay. Nabaling ang tingin niya kay Lorie na pilit kumakawala sa kanyang pagkakatali. “Jusko! Paano na tayo makakawala sa lugar na ʼto?” nag-aalalang tanong ni Lorie habang nakatali pa rin ang mga paa nito. “Wala talagang utak ang lalaking ʼyon!” sagot naman ni Jake. “Bakit ba hindi mo pagsabihan ang kaibigan mo? Kaibigan mo ba talaga siya? Bakit niya ito ginagawa sa atin? Jusko! Ni minsan sa buhay ko, hindi ko pinangarap ang mamatay.”Hindi napigalan ni Jake ang ngumiti kay Lorie. “Huwag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat para mabuhay ka.”“Huwag kang baliw. Tulad ng kaibigan mong halimaw. Bakit kasi hindi mo agad sinabi ang totoo sa lalaking ʼyon? Eh, ʼdi sana hindi tayo humantong sa ganitong bagay.”Hindi na nagsalita si Jake. At pinagmasdan ang bawat pasilyo ng lumang bahay. Ngunit bumungad sa kanilang harapan si Gustavio
“Let me go, Gustavio!” Iyon ang nararamdaman ni Kesha sa bawat mahigpit na hawak sa kanya ng binata. Sa pagbaba pa lamang niya ng sasakyan. Hindi niya napigilan ang makawala sa mga bisig nito. Daig pa niya ang isang manikang hindi makagalaw sa pagkakahila sa kanya. “Shut up! Kung ayaw mong magsisi sa huli!” “Magsisi? Buong buhay ko, pinagsisihan kong nakilala kita . . .”“Nagpapasalamat naman ako dahil ikaw ang nakilala ko . . .” seryosong sambit ni Gustavio. Hindi siya tigilan nito, hanggaʼt hindi nila nararating ang kanilang silid. Pagpasok pa lang nila ng mansyon. Parang nanumbalik ang lahat kay Kesha. Ang gabing nagkaroon ng pagitan sa kanilang dalawa. Ngunit hindi maaaring malaman ni Gustavio ang lihim niyang itinatago. Iyon ay ang kanyang pagbubuntis. Tiniis niya ang kirot na kanyang nararamdaman. Hanggang sa marating na nila ang silid ni Gustavio. Pagpasok pa lang niya sa loob. Amoy na niya ang pabangong halos dumikit na sa kanyang katawan. Ang halimuyak na tila may kung an
Maagang nagising si Kesha. Bahagya pa niyang kinusot ang kanyang mga mata. Pero ang katahimikan na kanina lang niya naramdaman ay napalitan ng ilang alingawngaw sa labas. Agad siyang bumangon. At mabilis na binuksan ang pintuan ng kanyang silid. Nagtungo siya sa kuwarto ni Jake. Subalit, wala ito roon. Hanggang sa magkakasunod na putok ng baril ang mas nagpakaba kay Kesha. Naalala niya ang kanyang kaibigan na si Lorie. “Lorie . . .” sambit niya sa pangalan ng kanyang kaibigan. Pagtungo niya sa kabilang silid. Nagkalat ang ilang mga papel. At sa palagay niya ay mga dokumento ni Lorie. Kahit ang bag nito ay hindi rin nakaayos. Napahawak siya sa kanyang dibdib. At napasandal siya sa wall mula sa katabing pinto nito. Kahit saan dumako ang tingin ni Kesha ay hindi niya makita ang kanyang kaibigan. “A-ray!” biglaan niyang sigaw at paghawak sa kanyang tiyan. Para siyang nakaramdam ng pananakit. Ngunit, nagpatuloy pa rin si Kesha sa paghahanap. Suot pa niya ang manipis na puting telang bum
GUSTAVIO POVTahimik na nakamasid sa kapirasong papel si Gustavio. Ilang dokumento na rin ang mga iniayos niya bago mabuo ang kanyang mga plano. Ang kompanyang sa matagal na panahon na niyang iniingatan. Nakayukong pumasok ang kanyang sekretarya na si Lucy, habang dala ang ilang mga papeles na kail
Malakas na buhos ng ulan ang nagpagising kay Kesha. Habang ang hampas ng puting kurtina mula sa pinto ng balkonahe ng silid niya ang saksi sa malamig na hanging dumadampi sa kanya. Bahagya siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Suot niya ang manipis na asul na bistida na bumagay sa kanya
Alas nuebe na ng gabi nang dumating sila sa mansion. Galit na galit si Don Ramon dahil wala siyang nagawa para malaman kung sino ang kumuha sa kanyang anak. He felt depeated. Iyon ang mas ikinagalit niya nang mamatay ang matandang lalaki. “Wala kayong utak! Hinayaan niyo lang silang makatakas.” Sa
“From now on! Magpapakasal ka sa lalaking ʼyon sa lalong madaling panahon,” galit na sambit ni Don Ramon sa kanyang anak. Tila sakluban ng langit at lupa naman si Kesha sa bawat salitang narinig niya sa kanyang ama. Hindi siya makapaniwala na ipagkakasundo siya sa lalaking ni minsan ay hindi man l







