로그인Enjoy Reading . . .
Lumipas ang dalawang linggo. Unti-unti nang nalilimutan ni Kesha ang pagtakas niya noon sa mansyon ni Gustavio. Hawak ang isang hinog na bunga ng mangga na galing sa bagong ani ng ilang mga tauhan ni Jake.“Ang dami naman po nito Nanay Lita.”“Naku, hija. Ganito talaga ang mga puno ng mangga rito. Mabilis magbunga lalo na't season nila ngayon. Ang iba naman kasi ay ibinebenta pa sa ibang bayan. Kumain ka lang hangga't gusto mo.”“Matagal na po ba kayong nagsisilbi kay Jake?” tanong ni Kesha.“Bata pa lamang siya ay narito na ako sa kanila. Mabait na bata iyan si Jake. Nabigla nga ako noong kasama ka niya rito. Ngayon lang kasi siya nagdala ng babae sa lugar na ito.”Ngumiti si Kesha sa sinabi ng matanda.“Nakilala ko po si Jake sa ospital. Isa siya sa mga tumulong po sa akin. At matalik po kaming magkaibigan.”“Pasensʼya ka na. Akala ko kasi, ikaw ang nobya niya. Mali pala ako. Pero, alam mo ba ay pinagdarasal ko na makahanap siya ng babaeng totoong magmamahal sa kanya. Tulad ng pagma
Nagmamadaling nilisan nina Kesha at Jake ang isla. Hanggang ngayon ay walang salita pa ring binabanggit si Aling Tasing sa pagtakas ng dalaga. Pansin ng matanda ang mapungay na mga mata ni Gustavio. Tila galing ito sa walang-tulog na magdamag.“Gusto ba niya talagang mapahamak?” mahinang sambit ni Gustavio habang nakakuyom ang mga kamay nito.Dali-dali itong umalis. Kailangan niyang hanapin si Kesha. Bago pa man ito makita ni Don Ramon.Gayunpaman, tahimik namang pinagmamasdan ni Kesha ang paligid habang nakaupo siya sa loob ng bus. Pasalamat na rin siya kay Jake dahil nakaligtas siya sa lalaking ayaw na niyang makita pa kahit kailan.Naramdamn ni Kesha ang paghawak ni Jake sa kanyang balikat. Hawak ang kape na ibinigay nito sa kanya.“Okay ka lang ba?” tanong ni Jake. Nang mapansin niya ang tulalang pagkatitig ni Kesha sa bintana.“Hindi ko lang inisip na hahantong sa ganitong sitwasyon ang buhay ko...”“Huwag ka nang mag-alala. Hindi ka niya mahahanap sa lugar kung saan tayo pupunta
Muling bumalik si Jake sa Isla De Gustavio, kung saan naroon ang dalaga. Ilang mga tauhan ni Gustavio ang nakabantay sa mansion. Bumungad sa kanya si Aling Tasing. Nakangiti ito habang nagdidilig ng mga halaman.“Dr. Angeles, Akala ko ay bukas ka pa makararating dito. Umalis si Señorito dahil mayroon siyang dapat tapusin sa kanyang kompanya.”“Kamusta si Kesha? Pinaiinom niyo po ba siya ng gamot?”“Huwag kang mag-aalala. Okay naman ang kalagayan niya.”Tumango na lang si Jake at pumasok ng mansion. Sa pagdating niya sa silid ni Kesha. Nakita niya itong nakadungaw sa bintana. Habang ito ay nakaupo sa isang wooden chair. Nabigla ito ng dumating si Jake.“I-ikaw po pala, Dr. Angeles,” sambit ni Kesha.“Hanggang kailan mo itatago ang pagbubuntis mo, Kesha? Kilala ko si Gustavio, kapag nalaman niya ang tungkol dito. Sobra siyang magagalit sa ‘yo. Aminin mo nga sa akin. Anak ba niya ang nasa sinapupunan mo?”“Anak man niya ito o hindi. Ang gusto ko ay makalaya sa mga kamay niya. Gustong kon
“Ayaw mo ba talagang malaman niya ang tungkol dito?” seryosong tanong ni Dr. Angeles sa dalaga.Bahagyang sumandal si Kesha sa headboard ng kama, habang nakatitig sa kanya ang doktor.“Hindi naman kasi ito sa kanya. So, bakit kailangan ko pang sabihin? Mas mapapahamak lang ang buhay ko kay Gustavio.”Humingang malalim si Jake. Batid niya na hindi ito dapat sundin. Lalo na’t alam niya kung paano magalit ang kanyang kaibigan. Agad na iniligpit ng doktor ang ilang mga ginamit niya kay Kesha. Ngunit, muli itong nagsalita bago siya umalis.“Always Remember, na kailangan mo ng pahinga. Maselan ang iyong pagbubuntis, kaya’t ingatan mong ma-stress ka sa lahat ng bagay,” nakangiting wika ni Jake.“Sige, po. Marami pong salamat sa inyo.”“Ngunit kailangan pa rin niya itong malaman. Ito ang ilang vitamins na dapat mong inumin. Kumain ka ng masustansyang pagkain.”“Nakikiusap ako sa ‘yo. Huwag na huwag mo itong ipaaalam sa kanya.”Sumang-ayon na lamang si Jake sa pakiusap sa kanya ni Kesha. Subali
Dalawang Linggo na ang lumipas, buhat nang dalhin siya ni Gustavio sa mansion. Bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Napahawak siya sa walk-in closet na malapit lang sa kanyang kama. Ngunit, mas lalo pang lumala ang kanyang nararamdam, nang matinding pagduduwal ang hindi niya napigilan. Patakbo siyang nagtungo sa banyo. Hindi man niya maintindihan ang nangyayari sa kanyang sarili. Alam niyang hindi ito tama. Tanging kaba ng dibdib ang bumabalot sa kanya. Bahagya siyang napatingin sa salaming na sa kanyang harapan. Pinagpapawisan at may pamumutla ng kanyang mga labi. Agad niyang kinuha ang puting towel na nakalagay sa maliit na kabinet. Hanggang sa maingat niyang pinunasan ang kanyang basang mukha.“Ano ba itong nararamdaman ko? Sobrang sakit ng sikmura ko,” bulong ni Kesha sa sarili.Ilang minuto rin siya sa banyo, bago siya lumabas. Ngunit, sumalubong sa kanya ang lalaking ayaw na niyang makita pa.“Are you sick?” tanong ni Gustavio.Subalit, isang matalim na tingin lamang ang kanyang
Doble ang naging kaba ng dalaga. Nang makita niya ang paglapit ng binata. Isa-isa niyang isinara ang lahat ng bintana, pati na rin ang pinto ng balkonahe sa kanyang silid.“Kailan ba ako titigilan ng taong ‘yon? Nakakainis na!” sambit niya.Ngunit, narinig niya ang pagsigaw ni Gustavio. “Kesha! Buksan mo itong pinto.” Sunod-sunod na pagkatok ng binata. Napaismid ito na may nakakahalong ngiti.Kahit isang beses pa lamang ang nangyari sa kanila, para kay Gustavio ay hinahanp-hanap niya ang aroma ng katawan ng dalaga. Ang natural nitong amoy na nagpapagising sa kanyang katawang lupa. Sinadya niya talagang dalhin sa kanyang isla ang dalaga. Upang hindi ito makita ni Don Ramon. Ilang beses na rin siyang lihim na nag-uutos sa kanyang mga tauhan, para mabantay ang bawat kilos ng ama ni Kesha. Kaya ngayon pa lang ay inuunahan na niya, nasa harap ng pinto mula sa likod ng silid ng balkonahe si Gustavio. Pinagmamasdan ang kurtinang sumasangga sa glass sliding door nito.“Balang-araw pasasalamata
GUSTAVIO POVTahimik na nakamasid sa kapirasong papel si Gustavio. Ilang dokumento na rin ang mga iniayos niya bago mabuo ang kanyang mga plano. Ang kompanyang sa matagal na panahon na niyang iniingatan. Nakayukong pumasok ang kanyang sekretarya na si Lucy, habang dala ang ilang mga papeles na kail
Alas nuebe na ng gabi nang dumating sila sa mansion. Galit na galit si Don Ramon dahil wala siyang nagawa para malaman kung sino ang kumuha sa kanyang anak. He felt depeated. Iyon ang mas ikinagalit niya nang mamatay ang matandang lalaki. “Wala kayong utak! Hinayaan niyo lang silang makatakas.” Sa
“Bitawan niyo ako!” “Hanggang kailan ka ba magiging matigas ang ulo, Kesha?!” “Please, ayokong ikasal sa kanya. Lahat gagawin ko para sa inyo papa.”Malakas muling sampal ang natanggap ni Kesha sa kanyang ama. Habang nakatitig lang ang kanyang inang tila may ngiti sa mga mata nito. “Kesha. Kung
“From now on! Magpapakasal ka sa lalaking ʼyon sa lalong madaling panahon,” galit na sambit ni Don Ramon sa kanyang anak. Tila sakluban ng langit at lupa naman si Kesha sa bawat salitang narinig niya sa kanyang ama. Hindi siya makapaniwala na ipagkakasundo siya sa lalaking ni minsan ay hindi man l







