“Malaki ang utang ng pamilya natin sa mga Doyle, Gianna…” bulong ni Mateo, matigas ang boses. “Noong pinutol mo ang ugnayan mo sa amin, naglaho rin ang koneksyon sa pagitan ng mga pamilya natin.”Mas lalo akong napasinghap sa sumunod na sinabi niya.“Naaksidente ang sinasakyan ni Felix. Sobrang naapektuhan ang mga magulang niya. At noong napagtanto nilang hindi ka na babalik, binawi nila ang lahat: ang pondo, ang mga kontrata, ang partnership na nagpapanatili kay Dad sa kumpanya...“There was a contract, Gianna. The marriage alliance between you and Felix was why they lent Dad the money to keep his position in the company.”Nakatitig lang ako sa kanya, parang napako sa kinatatayuan. Nanikip ang lalamunan ko. Sinubukan kong magsalita, pero hindi pa siya tapos.“Sinisisi ka nila sa naganap kay Felix. Ilang taon siyang hindi nakalakad at naupo sa wheelchair, wasak. Ang pagkawala mo ang sumira sa kanya.”Sa wakas ay gumuho na rin ang pagtitimpi ni Mateo. Nag-aalab sa hinanakit ang kanyang
Last Updated : 2026-11-01 Read more